Kris Bernal willing to be ninang to Aljur Abrenica and Kylie Padilla's baby boy

IMAGE Bernie Franco

Kris Bernal says she's most willing to be ninang to Aljur Abrenica and Kylie Padilla's baby boy: "Hinihintay ko nga na sabihan ako ni Aljur. Ako naman, love ko ang mga babies, kaya gusto kong mag-ninang talaga. Tawagan lang ako ni Aljur at hindi ako tatanggi."


Wala raw problema sa Kapuso actress na si Kris Bernal kung maging isa siya sa mga ninang ng baby boy nila Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Ayon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris sa press launch ng teleseryeng pinagbibidahan niya na Impostora noong nakaraang June 5 sa GMA Network Center, gusto raw niyang maging kumpare ang dating ka-loveteam na si Aljur.

“Oo naman. Gusto ko nga, e.

“Hinihintay ko nga na sabihan ako ni Aljur.

“Ako naman, love ko ang mga babies, kaya gusto kong mag-ninang talaga.

“Tawagan lang ako ni Aljur at hindi ako tatanggi.

“Hindi ko pa nakakausap si Aljur, pero kapag in-invite ako, why not?

“Mata-touch ako kapag binigyan ako ng ganung responsibility. Pero wala pa naman sa ngayon,” paglinaw ni Kris.

REEL-LIFE LOVERS ONLY. Diin pa ni Kris, never daw naging sila ni Aljur dahil hanggang sa mga teleserye lang daw ang tambalan nila.

“Wala namang dapat na ikabahala si Kylie dahil alam naman ng marami na never naging kami ni Aljur.

“Professional lang kaming dalawa kaya akala nila naging kami.

“Naging maalaga lang si Aljur noon sa team-up namin, kaya marami ang nag-wish na naging kami in real life.

“Pero hindi talaga. Hanggang teleserye lang kaming dalawa.

“Aljur was really meant for Kylie,” ngiti pa niya.

NO COMMUNICATION. Matagal na raw hindi nakakausap ni Kris si Aljur, pero parating pinapaabot ni Kris ang kanyang suporta rito.

“Hindi naman ako naging against sa relationship nila.

“Noong malaman ko na sila na, naging supportive ako sa kanila.

“At the same time, si Aljur, kilalang-kilala ko 'yan.

“Napakaresponsableng tao niya.

“Kaya I know na he will be a good father sa magiging baby nila ni Kylie,” pagmamalaki niya sa dating loveteam partner.

Inamin din ni Kris na nami-miss na niyang katrabaho si Aljur.

Huling teleserye na pinagsamahan nila ay Prinsesa Ng Buhay Ko noong 2014 pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkalaban naman sila last year sa Lipsync Battle Philippines.

Nagsama sa maraming teleserye ng GMA-7 ang Aljur-Kris or AlKris tandem tulad ng Zaido: Pulis Pangkalawakan, Dyesebel, Luna Mystika, Dapat Ka Bang Mahalin, All My Life, The Last Prince, Machete at Coffee Prince.

STILL OPEN TO WORKING WITH ALJUR. Kung sakali raw hindi nagkaroon ng problema si Aljur with GMA-7, baka nakakatambal pa niya ito hanggang ngayon.

“Actually, marami kaming mga fans from Starstruck pa na nagtatanong kung magkakasama pa rin ba kami ni Aljur sa isang teleserye.

“Siyempre, hindi ko masagot iyon.

“Kasi that time, may mga problema si Aljur.

“Pero kung sakali nga na walang naging problema, baka buo pa rin ang loveteam namin ni Aljur.

“Pero dahil iba na nga ngayon ang katayuan ni Aljur, move na tayo sa ibang puwede kong makasama sa teleserye.

“But who knows, di ba?

“Baka balang-araw, magkasama pa rin kami ulit ni Aljur,” pahabol pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN