Xian Lim explains cryptic post on Instagram

IMAGE Noel Orsal

Xian Lim on doing social media detox: "Minsan kailangan natin maging alone lang sa thoughts natin kasi doon tayo mas nagiging creative, doon tayo mas nakakapag-isip."


“Sa Instagram, hindi siya sa showbiz!”

Ito ang mariing paglilinaw ni Xian Lim tungkol sa matalinhagang post niya kamakailan sa Instagram na “Goodbye for now.”

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Paliwanag pa ng Kapamilya star, “It's more of sa social media.

"Meron kasi akong napanood lang na video, sabi, from time to time, kailangan nating mag-break sa social media.

“Sa social media lang yun dahil minsan kailangan natin maging alone lang sa thoughts natin.

"Kasi doon tayo mas nagiging creative, doon tayo mas nakakapag-isip. Yun lang po yun.

“Gusto lang talaga... Kasi, di ba, sa dami-rami ng mga troll, sa dami-rami ng mga negativity...

“Siyempre, mayroon ding positivity, pero you can't help the negativity get you.

“Dapat yung mga tao, sometimes mag-social media detox.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Xian sa press conference ng upcoming concert niyang Songs in the Key of X, na ginanap ngayong Lunes, June 19.

Goodbye showbiz na ba si Xian Lim? Panoorin ang sagot niya rito:

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Nabanggit din ng Kapamilya actor-singer na noong araw na nag-post siya sa Instagram, “Nag-sink in kasi na there's so many deadlines sa projects—I'm still doing a film, the concert, then the album, which I just finished a couple of days ago.

"Tapos I also have an art exhibit on July 16, the day after the concert. I have a couple of paintings sa solo exhibition.

“Sabi ko, 'Sige, focus muna dito on the things that I have to do. Then, babalik din ako.

"It's just one week."

Good morning everyone in the SOCIAL MEDIA world ????

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on

Samantala, tila alam na ni Xian ngayon kung ano ang gagawin sa mga pamba-bash sa kanya.

Saad niya, “Ang pinaka-way lang diyan is not to pay attention to them.

“Pero what you can do is you take it... Kasi, hindi talaga dapat pinapansin 'yan.

“Pero when it does, kapag nakakalusot at pumasok sa damdamin mo, maybe you can take it as a constructive criticism.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin naman maganda kung palaging positive ang nakukuha mo, di ba?

“In a lighter note, puwede mo na siyang tingnan na baka naman may point.

“Maybe kailangan ko na rin marinig 'to para magbago ako or para lumawak yung pananaw.

“Basically, just don't pay attention.

"Pero if it does get into you, look at it naman differently.”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN