Jake Zyrus overwhelmed by positive response to his new identity

IMAGE Noel Orsal

Masaya raw si Charice Pempengco sa kanyang desisyong magpalit ng pangalan bilang Jake Xyrus. Pangako pa niya sa kanyang mga tagahanga, babalik siya kaagad para sa kanila.


Tila nabunutan daw ng tinik sa dibdib si Jake Zyrus—ang dating si Charice Pempengco—sa magagandang mensahe at komentong kanyang natatanggap at nababasa tungkol sa pagpapalit niya ng pangalan.

Huwebes, June 15, isinilang ang bagong Charice sa pamamagitan ng pangalang Jake Zyrus.

Walang paliwanag ang singer tungkol sa kanyang pagpapalit ng screen name, ngunit lumikha ito ng ingay sa social media.


Stories We Are Tracking

Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!

Ngayong Martes ng umaga, June 20, nag-tweet sa kauna-unahang pagkakataon si Jake Zyrus sa kanyang followers.

Sabi niya, “My first tweet as Jake. Overwhelmed.

"Saw all your love comments and I'm so happy. Finally.

"I love you, everyone and see you soon."

Paalala pa niya, walang sinumang makakasira sa kasiyahang nararamdaman niya ngayon.

“I won't let anyone ruin this moment. I won't let anyone ruin my happiness.

"Thank you to all the beautiful write ups about me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN