Robi Domingo embarrassed by rumors linking him to Sandara Park

IMAGE Noel Orsal

Robi Domingo on taking a break from a relationship: "Right now, I am ready for a commitment to myself. After the whole thing, it's time to give a break naman siguro, puro me-time muna ako ngayon. Kasi paano ka magmamahal kung wala kang pagmamahal sa sarili mo?"


Hindi pa rin mamatay-matay ang isyung nag-uugnay sa Kapamilya TV host na si Robi Domingo at sa K-Pop star na si Sandara Park.

Ito ay sa kabila ng ilang beses nang pagtanggi ni Robi na may namamagitan sa kanila ni Sandara, higit pa sa pagiging magkaibigan.

Ayon sa TV host, nahihiya na siya sa dating miyembro ng 2NE1 dahil sa pag-uugnay sa kanila.

“I find it not just funny, but I find it really distracting to the point na sobrang nahihiya na ako kay Sandara.

“Kasi she doesn’t deserve all the noise na ibinibigay natin because of me.

“She’s big star there, so ayun.”

Ipinaliwanag din ni Robi ang isang tweet na lumabas, kung saan nakita raw silang magkasama ni Sandara sa South Korea.

Ayon sa kuwento ng nag-tweet, pumayag daw si Robin na magpa-picture kasama ang ilang Pinoy fans, pero tumanggi raw ang TV host na magpalitrato kasama si Sandara.

Reaksiyon ng ilang netizens, paraan daw ito ni Robi para walang ebidensiya na lumalabas sila ni Sandara.

Nilinaw ito ni Robi sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa studio ng ASAP noong Linggo, June 18.

Saad niya, “No, hindi totoo yun. 

“Yes, I went to Korea before, pero hindi kami nagsama dun talaga.

“Nagkita kami once, there was lunch with the whole management niya.

“Tapos ang nangyari, may group of Filipinos dun, ‘pa-picure naman,’ nagpa-picture ako with them.”

Paliwanag pa ni Robin, “Hindi kasama si Sandara, kasi may policy sila dun sa Korea na bawal talaga.

“Ganun ang disiplina nila at hindi siya bastos para sa kanila. It’s out of respect dun sa kultura sa kanila.

“Dito sa Pilipinas, masyado talagang malapit sa ating mga fans.

“Accommodating? Puwede nating sabihin yun, puwede din natin sabihin na iba ang respeto na binibigay natin sa mga artista natin, iba yung respeto na ibinibigay nila sa mga artista nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ako makakapagsabi na, ‘Uy, pa-picture ka naman dun,’ kasi hindi naman kami ganun ka-close.”

LOVING YOURSELF. Ayon kay Robi, pagkatapos ng breakup nila ni Gretchen Ho ay gusto muna niyang pagtuunan ang kanyang sarili.

“Right now, I am ready for a commitment to myself.

“After the whole thing, it’s time to give a break naman siguro, puro me-time muna ako ngayon.

“Kasi paano ka magmamahal kung wala kang pagmamahal sa sarili mo?

“The thing about what happened was we didn’t close doors for anyone. It’s still open.

“And I think I can say that in the coming years pa, pero right now, it’s best to say I’m ready for myself.”

Sa kabila ng masakit na kinauwian ng relasyon nila ni Gretchen, dito naman nakita ni Robi ang kahalagahan ng trabaho at ng mga taong nagmamahal sa kanya.

Sabi pa ni Robi, “Minsan kailangan mong tumigil sa pag-iyak dahil kailangan mo munang ngumiti.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN