Helen Gamboa brushes off negative comments about husband Sen. Tito Sotto

IMAGE Noel Orsal

Veteran actress-singer Helen Gamboa on husband Sen. Tito Sotto: "I'm so thankful to God na ganito ang pagsasama namin. We always have peace and harmony in our house. Parang nasanay na rin ako na, pag sa showbiz, parang maraming naninira, maraming naiinggit."


Hindi raw pinagtuunan ng pansin ng veteran actress na si Helen Gamboa ang controversial “na-ano lang” statement ng asawa niyang si Senator Tito Sotto.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang naging pahayag ng senador na ang salitang kalye raw sa mga babaeng may anak ngunit walang asawa ay “na-ano lang.”

Sinabi ito ni Sotto sa hearing ng Commission of Appointments para sa pagkakatalaga kay Judy Taguiwalo bilang secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), noong May 3.

Pahayag ni Helen tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan ng kanyang mister, “Kapag ganoon, hindi ko na binibigyan ng time talaga.

“Kasi ako lang ang magsa-suffer, ako ang masasaktan.

“Saka I should know my husband better than anybody.

“Kaya I’m so thankful to God na ganito ang pagsasama namin. We always have peace and harmony in our house

“Parang nasanay na rin ako na, pag sa showbiz, parang maraming naninira, maraming naiinggit.”

Nakasalamuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ang former movie queen sa presscon ng From Helen’s Kitchen, ang kanyang cooking show na mapapanood sa Colours Channel ng Cignal TV simula sa July 1.

Ginanap ang presscon sa Seda Vertis North, sa may Quezon City, nitong Miyerkules, June 21.


Stories We Are Tracking

Senator Tito Sotto blames trolls for latest issue about him
Senator Tito Sotto blames trolls for latest issue about him
Tito Sotto to fellow celebs who slammed him:
Tito Sotto to fellow celebs who slammed him: "Relax lang."
Single moms Jennylyn, LJ, Geneva stand against Sen. Sotto
Single moms Jennylyn, LJ, Geneva stand against Sen. Sotto
Sec. Judy Taguiwalo accepts Sen. Tito Sotto's apology
Sec. Judy Taguiwalo accepts Sen. Tito Sotto's apology

HELEN’S HEALTH. Kinumusta rin ng reporters kay Helen ang kanyang health condition.

Sabi ng 72-year-old actress-singer, “I’m very alright. I feel great.

“I’m suffering from slipped disc now kaya hindi na puwedeng magba-‘Bang-Shang-A-Lang’ ako.

“Medyo may temptations, pero puwede pa rin akong sumayaw.”

Matatandaang kasama dapat si Helen sa cast ng Ang Dalawang Mrs. Real, ang primetime teleserye ng GMA Network noong 2014 na pinagbidahan nina Maricel Soriano, Dingdong Dantes, at Lovi Poe.

Pero hindi natuloy ang participation niya dahil nagkaroon siya ng sakit. Ang ipinalit sa kanya ay si Celeste Legaspi.

Ngayong maayos na ang kalusugan niya, mapapanood si Helen sa The Good Teacher, ang upcoming primetime series ng Kapuso network na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanggap din ni Helen ang offer na maging host ng cooking show na From Helen’s Kitchen dahil sa passion nito sa pagluluto, na minana raw niya mula sa kanyang namayapang ina.

Saad niya, “I have this passion for cooking, and I got this passion from my mom when she was still with me.

“Bata pa ako noon, she cooks a lot for us, for friends and, heaven knows, she’s really a very good cook.

“I started out as an actress, a singer…

“Itong cooking really changed my heart noong nag-asawa na ako because I know that a way to a man’s heart is through his stomach.

“Kailangan makita ng husband ko na marunong ako ng pagluluto and other household chores.”

Dagdag pa ni Helen, “When sina Perci [Intalan] offered me about this kind of show, I really got so interested, so From Helen’s Kitchen was born.”

Ang ipinagmamalaking specialty ni Helen na Tinapa Rice ay paboritong-paborito ng cast ng Eat Bulaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN