Top taxpayer Vice Ganda rants about traffic: "Napapamura talaga ako sa sama ng loob."

IMAGE Noel Orsal

Hindi napigilan ni Vice Ganda na maglabas ng hinaing dahil sa pagkakaipit niya sa traffic, na naging dahilan kung bakit hindi siya nakarating sa isa niyang appointment. Sabi ni Vice, "Sobrang lala talaga ng traffic. Alam kong di na to bago pero di mo pa rin mapigilang mapamura dahl sa perwisyo. Lalo na't milyon ang tax ko!"


Walang pinipili ang sobrang traffic dito sa Pilipinas.

Mula sa mga ordinaryong commuters hanggang sa mga may-ari ng kumpanya ay hindi ligtas sa malalang traffic, lalo na sa Metro Manila.

Ngayong araw ay muling naranasan ng marami sa ating kababayan ang grabeng traffic, kabilang na ang phenomenal box-office star na si Vice Ganda.

At habang nasa kasagsagan ng traffic, hindi niya mapigilang maglabas ng sama ng lob sa pamamagitan ng Twitter.

Hindi rin daw mapigilan ni Vice na mapamura, lalo na kung naiisip niya kung gaano kalaki ang buwis na binabayaran niya taun-taon.

Ilang taon nang napapabilang si Vice—Jose Marie Borja Viceral sa totoong buhay—sa listahan ng Top 500 taxpayers sa Pilipinas.

Noong 2012 ay nasa 137th place siya pagkatapos magbayad ng buwis na P12,025,635 million.

Noong 2013 ay bumaba ang puwesto niya sa No. 228 pagkatapos magbayad ng buwis na P10,571,997.

Noong 2014 naman ay umakyat siya sa ika-132 dahil sa binayaran niyang buwis na nagkakahalaga ng P15,762,986.

Narito ang sunud-sunod na tweets ng It's Showtime host habang nasa loob ng sasakyan at sinusuong ang traffic:

At dahil sa sobrang traffic, hindi nakarating si Vice sa pupuntahan niya.

Hindi rin niya ulit napigilang magmura dahil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN