Andi Eigenmann: "Sa likod ng aking pagkakamali, mabuti pa rin naman akong tao."

IMAGE Noel Orsal

Andi Eigenmann: "Wala naman perpekto. We're all human and we all make mistakes, but what's important is that we learn from them and it helps us to be better people."


Nagbigay ng pahayag si Andi Eigenmann tungkol sa pagtatanggol sa kanya ng inang si Jaclyn Jose.

June 7, nag-post sa Instagram si Jaclyn upang maglabas ng sama ng loob laban sa mag-inang Laarni Enriquez at Jake Ejercito.

Ito ay kaugnay ng inihaing petisyon ni Jake para sa joint custody ng anak nila ni Andi.


Stories We Are Tracking

Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on IG
Jaclyn Jose lambasts Jake Ejercito, Laarni Enriquez on IG
Andi on mom's IG rant:
Andi on mom's IG rant: "It was uncalled for and unnecessary."

Sa episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ngayong Miyerkules, June 21, sinabi ni Andi na masaya siya sa pagtatanggol ng ina.

Saad ng Kapamilya actress, “Siyempre ano po, masaya ako, but, di ba, that’s what every mother should do naman?

“That’s so understandable na yung nanay ko palagi niyang iniisip na protektahan ako, na ipagtanggol ako, dahil anak niya ako.

"At sa lahat naman, siya ang pinaka nakakakilala sa akin, siguro higit pa sa pagkakakilala ko sa sarili ko."

Patuloy ni Andi, “At naa-appreciate ko talaga yun, kahit sabihin kong hindi ko kailangang ipagtanggol niya ako...

"Kasi palagi kong sinasabi na kapag may mga taong nahuhusgahan ako in a bad way, or they assume things of me, because iba ang perspective ng viewers sa kung ano talaga ang nangyayari sa tunay na buhay, okay lang yun sa akin.

"Kasi lagi kong sinasabi na hindi ko naman kailangang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila o kaya i-explain."

Sinabi rin ni Andi na lahat naman ay nagkakamali at ang mahalaga ay matuto rito.

“Wala naman perpekto. We’re all human and we all make mistakes.

"But what’s important is that we learn from them and it helps us to be better people.

“At I know, at the end of the day, sa likod ng aking pagkakamali, mabuti pa rin naman akong tao.

"At okay lang sa akin kung di matanggap ng iba yun.

"Basta ang importante, yung nanay ko, naniniwala pa rin at ang anak ko.”  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN