Gabby Concepcion recalls breakup and closure with Janice de Belen

IMAGE Janice de Belen Instagram / Rose Garcia

Gabby Concepcion has fond memories of reuniting with ex-love team and sweetheart Janice de Belen in her former cooking show years ago. They will be seen together again in an episode of GMA 7's Magpakailanman, which airs this Saturday. Did he get at least a slice of her unforgettable blueberry cheesecake he craved for during their taping?


After more than 25 years, magkakaparehang muli ang dating real- and reel-teen sweethearts na sina Gabby Concepcion at Janice de Belen.

“Nae-excite ako, kasi it’s finally happening,” sabi ni Gabby tungkol sa episode ng Magpakailanman na pagsasamahan nila ni Janice.

Ito ang “May Forever: The Ariel Cruz and Julieta Manuel Story,” na ipalalabas sa Sabado, June 24, sa GMA Network.

Kuwento pa ng Kapuso actor, “Bitin lang kasi ano lang ito, e, two taping days at saka one day lang ipapalabas, so…

“But I can’t complain. I’ve everything to be thankful for, nothing to complain about.”

Ang Pakasalan Mo Ako noong 1991 ang huli nilang pinagsamahang pelikula o proyekto.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby kung ano ang sikreto na matapos nilang magkaroon ni Janice ng relasyon ay nanatili ang friendship nila.

Tugon niya, “Wala akong masasabing awkwardness, because kasalanan ko naman kung bakit kami [nagkahiwalay].”

Humingi naman daw ng tawad si Gabby kay Janice noong ginawa nila ang pelikulang Pakasalan Mo Ako.

“Nung nagkita kami uli, kasi siyempre nung una hindi naman kayo nagkikita, tapos mainit pa.

“In any relationship, I think ganun naman talaga, hindi kayo magmi-meet talaga dahil nandun pa yung init ng ulo or what.

"Pero ngayon, wala na… Importante kasi ang closure, e, importanteng-importante."

Patuloy ni Gabby, “Of course, I’m human enough to face and to boldly accept yung mga mistakes in life, and to apologize.

“Kailangan lang, para may closure, para maka-move on na.”

May regrets ba siyang hindi sila nagkatuluyan ni Janice?

“Actually, dumaan din sa isip ko yun, oo, siyempre.

“Pero masyadong mahabang salaysayin, e, dahi… basta, nag-iba na ang buhay kasi.”  

Nakausap ng PEP si Gabby sa taping nila ni Janice para sa Magpakailanman episode, sa Araneta Avenue, Quezon City, noong June 15.

SAVORING THEIR PAST. Iisa ang manager nina Gabby at Janice—si Popoy Caritativo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa aktor, noong araw lang na iyon niyang nalamang si Janice ang kanyang makakasama sa naturang episode ng Magpakailanman.

Kuwento ng Ika-6 Na Utos actor, “Sinurprise sa akin, tinanong ako ni Popoy, ‘Gusto mo bang gumawa ng Magpakailanman?’

“Sabi ko, ‘Yeah!’

“‘Hindi ko muna sasabihin ang leading lady mo, surprise!’

"Sabi ko, ‘Ha? Sabagay, okay lang, maganda naman yung surprise.’

“So, nung dumating ako dito sa set, hindi ko pa alam.

"Siyempre ako, umiimbestiga ako ng sarili ko na hindi ako nagtatatanong.

“Tinitingnan ko yung mga sasakyan, pag may bumaba.

“Nakita ko yung isang van dun, nakalagay sa plaka [ang initials ni Janice].

“Yun na, sabi ko, ‘Ah!’ Siyempre excited!

“Makakakain na naman ako ng mga naaalala kong pagkain.”

Kilala rin si Janice bilang isang accomplished cook at host ng dating long-running cooking show na Spoon.

Kung may request daw si Gabby kay Janice, alam na raw nito: “Blueberry cheesecake!”

Isa pang rebelasyon si Gabby, “Yung cologne ko na hindi  ko masyadong ginagamit, tinitipid-tipid ko, sa kanya galing yun.”

Kouros ang brand ng cologne na ibinigay ni Janice kay Gabby sa Spoon guesting ni Gabby a few years back.

“Sa sobrang lakas, isang patak lang, habambuhay na halos,” biro pa ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN