PEP EXCLUSIVE. Raquel Pempengco on Jake Zyrus: "Wala po akong magagawa kundi ang intindihin siya."

IMAGE Kaye Pempengco on Facebook

Nagulat man sa naging deisyon ng anak, suportado pa rin daw ni Raquel Pempengco ang pagbabago ng pangalan ng panganay na anak na si Charice, na kilala na ngayon bilang Jake Zyrus. 


Ikinagulat din ni Raquel Pempengco ang pagbabago ng pangalan ng anak na si Charice, na ngayon ay kilala na bilang Jake Zyrus.

Sa eksklusibong pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Raquel, sa pamamagitan ng text messaging kagabi, June 21, inamin nitong sumama ang loob niya sa pangyayari.

Ngunit sinusuportahan pa rin daw niya ang anak sa naging desisyon nito.

Pahayag ni Raquel, “Sumama man po ang loob ko dahil diyan, e, wala po akong magagawa kundi ang intindihin siya dahil dun po siya magiging masaya at kumportable.”

Matatandaang nitong nakaraang Huwebes, June 15, ginulat ni Charice ang kanyang followers sa Instagram at Twitter nang baguhin niya ang handle names ng kanyang mga account.

Ginawa niya itong Jake Zyrus.

Ito na raw ang kanyang gagamiting pangalan.

Hindi ito nagustuhan ng kanyang lola na si Thess Pineda, ngunit para kay Jake Zyrus, masaya siya sa kanyang desisyon.


Stories We Are Tracking

Charice's grandmother vows to hunt 'killers' of singer
Charice's grandmother vows to hunt 'killers' of singer
Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Jake Zyrus overwhelmed by positive response to new identity
Jake Zyrus overwhelmed by positive response to new identity

Ayon naman kay Raquel, hindi nagbabago ang pagmamahal niya sa kanyang panganay na anak at mananatili ang kanilang suporta rito.

“Basta po andito pa rin kaming pamilya niya at ako pa rin po ang mommy niya, magbago at ibahin man po niya ang pangalan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN