Nadine Lustre admits getting upset with bashers linking James Reid to her best friend

by Melba R. Llanera
Jun 22, 2017
Nadine Lustre on dealing with bashers: "Minsan, kailangan lang magsabi, mag-remind sa kanila na hindi tama, e, hindi puwede na hahayaan mo lang. Paulit-ulit na, so parang hindi na fair sa mga taong nadadamay."

Inamin ni Nadine Lustre na nainis siya sa pag-uugnay ng ilang netizens sa kanyang boyfriend na si James Reid at sa best friend ng aktres na si Mika Tan.

Matatandaang kumalat kamakailan sa social media ang larawan nina James at Mika na magkaakbay.

Agad itong binigyang-kulay ng ilan, at dahilan upang i-bash nang husto ang kaibigan ni Nadine.

Ngunit mariin itong itinanggi ni Nadine sa pamamagitan ng pagbuwelta sa mga nagbigay-malisya sa larawang iyon ng kanyang boyfriend at best friend.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Nadine sa studio ng It’s Showtime kahapon, June 21, muling naglabas ng hinaing ang aktres sa nangyari.

Aniya, “Siyempre I feel bad, kasi hindi naman totoo.

“Mga assumptions lang na gawa-gawang kuwento, yung iba pinaniniwalaan.

“Siyempre hindi din naman fair sa kaibigan ko.”

Ano naman ang naging reaksiyon ni James dito?

Ayon kay Nadine, “Wala, tinawanan lang niya.

“Hindi naman kasi siya interesado sa mga ganyan. ‘E, alam naman natin ang totoo, bakit natin papatulan?’

Continue reading below ↓

“E, ako, siyempre hindi, e, kaibigan ko din siyempre yung bina-bash nila, so parang hindi yun tama.”

SHUTS DOWN BASHERS. Umiwas naman si Nadine na pag-usapan ang tungkol sa pagbuwelta niya sa bashers sa pamamagitan ng social media.

Aniya, “Huwag na nating pag-usapan yun, hayaan na lang natin.

“Minsan, kailangan lang magsabi, mag-remind sa kanila na hindi tama, e, hindi puwede na hahayaan mo lang.

“Paulit-ulit na, so parang hindi na fair sa mga taong nadadamay.”

Naniniwala si Nadine na hindi JaDine fans ang mga namba-bash sa kanya at kay James sa social media.

Saad niya, “Kung mababasa ninyo yung mga tweets nila, may nagsasabi na, ‘Yung iba naman kasi diyan di naman talaga JaDine, kunwari lang para lang talaga magkagulo. Nag-uumpisa lang talaga ng gulo...’ parang ganun.

“Nakakalungkot kasi nadadamay yung iba... yung ibang maayos namang fans.”

Read Next
Read More Stories About
Nadine Lustre
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nadine Lustre on dealing with bashers: "Minsan, kailangan lang magsabi, mag-remind sa kanila na hindi tama, e, hindi puwede na hahayaan mo lang. Paulit-ulit na, so parang hindi na fair sa mga taong nadadamay."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results