Philippines will not host Miss Universe 2017

IMAGE Facebook (Miss Universe)

Department of Tourism Secretary Wanda Teo confirmed that the Miss Universe 2017 pageant will not take place in the Philippines. She said that it's "too soon," after the country hosted the 2016 edition of the pageant just this January, where Iris Mittenaere of France was named Miss Universe. 


Hindi idaraos sa Pilipinas ang Miss Universe pageant ngayong taon.

Ito ang kinumpirma ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo ngayong Huwebes, June 22.

Ginawa ni Teo ang announcement sa International Conference on Sustainable Tourism for Development na ginanap sa Balesin.

“No Miss Universe this year. Baka next year,” pahayag ng DOT secretary.

Dugtong ni Teo, masyado maaga kung muling gaganapin ang prestihiyosong pageant sa Pilipinas ngayong taon.

Sa Pilipinas ginanap ang Miss Universe 2016 nitong Enero lamang.

Nakatakda namang gawin ang susunod na Miss Universe sa November, ngunit hindi pa alam kung saang bansa ito idaraos.

Nitong ikalawang linggo ng Hunyo, dumating sa Pilipinas ang organizers ng Miss Universe upang makipagpulong sa DOT, at nagpakita sila ng interes na idaos muli sa Pilipinas ang Miss Universe pageant.

Ngunit hindi na nga mangyayari ang pagdaraos ng Miss Universe sa Pilipinas ngayong taon.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN