Will Nadine Lustre bag FHM Sexiest Woman 2017 title?

IMAGE Noel Orsal

Is Nadine Lustre FHM's Sexiest Woman for 2017? We will all found out next week.


Tapos na ang botohan para sa FHM 100 Sexiest Women 2017.

Sa huling bilangan, ang nangunguna ay ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre.

At kung hindi magbabago ang trend, malamang na si Nadine na nga ang tanghaling FHM Sexiest Woman para sa 2017.

Nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Nadine kahapon, June 21, tinanong namin kung ano ang nararamdaman niya na posibleng siya ang manguna sa taunang poll na ito ng FHM.

Pahayag ng Kapamilya star, “Salamat po. I am flattered.

“Kaya lang, I feel lang, I’m not… like, mayroon pang iba na mas karapat-dapat na mag-number one kaysa sa akin.”

Rarampa ba siya sa gabi ng event, kung sakaling siya nga ang mag-No. 1?

Sagot ni Nadine, “Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko pag ganyan.

“I mean, happy ako na nag-number one.

"Maraming restrictions pa na ano, e, kaya minsan di ko alam ang isasagot ko.

“Very thankful, kasi sila naman ang bumoboto.

"Masaya naman sila and masaya din naman ako. Happy din naman ako. 

“Kaya lang, lagi ko nga sinasabi na mayroon pang mas deserving kaysa sa akin.”

Sa susunod na linggo ia-announce kung sino ang nanguna sa FHM 100 Sexist Women 2017 poll.

PREGNANCY RUMOR. Samantala, pinagtawanan lang ni Nadine ang kumalat na balitang buntis daw siya, courtesy of James.

Patunay nga nito ay ang flat na tiyan ng aktres habang kausap namin siya.

“Oo nga, e, hindi ko alam, baka pagkain lang. Hindi… of course, hindi.

“Nagdyi-gym ako, pero hindi siya regular. Controlled eating lang talaga,” sabi niya.

IT'S SHOWTIME. Bagamat may mga proyektong nakalinyang gawin si Nadine, ngayon ay ine-enjoy muna niya ang pagiging host ng It’s Showtime.

Sabi niya, “Nag-e-enjoy kasi ako sa Showtime, e.

“Ang saya, super-saya, nag-e-enjoy ako.

“Next month, mag-aaraw-araw na ako sa Showtime.

“Wala lang, relax lang. Maging open ka lang sa lahat ng sasabihin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre nakaka-relate ka sa iba’t ibang klase ng mga tao, nakaka-relate ako kila Vice.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN