Joshua Garcia's sweet message to Julia Barretto brings kilig to fans

IMAGE Noel Orsal

"You sure do know how to make a sick girl's bad day a good one," says Julia Barretto about the sweet letter she got from onscreen partner Joshua Garcia.


Kilig at tuwa ang naramdaman ng fans ng tambalang Julia Barretto at Joshua Garcia sa ipinost na sweet note ng young actress mula sa kapareha kagabi, June 23.

Base sa short letter ni Joshua, naospital si Julia.

Sabi ng young actor, “I request you to spare the bacteria and stop attracting them to your beautiful body.

“(Your place is not in the hospital. Your company isn't meant for nurses, it is for my soul. You don't deserve strong doses of medicine, you deserve my LOVE.)

“Get well soon, baba.”

Sa ilalim ay may disclaimer din ang nagpadala ng mensahe: “Nakuha ko lang yung isang sinabi ko sa Google. Pero yun talaga ang nararamdaman ko.”

Walang pangalang nakalagay sa note, kahit sa caption ni Julia, kung kanino ito galing. Pero sa dulo, nakalagay ang letrang “J.”

Ang tanging sabi ni Julia tungkol sa nagbigay: “You sure do know how to make a sick girl's bad day a good one.”

You sure do know how to make a sick girl's bad day a good one.

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Agad namang umulan ng “get well soon” messages ang comment section ng post ni Julia. Pero mas higit ang kilig na mensahe mula sa fans.



Kabilang din sa mga kinilig ang mga kaibigan ni Julia na sina Janella Salvador at Liza Soberano.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN