Enrique Gil on Liza Soberano: "I think she's gonna be a perfect Darna."

IMAGE Instagram @enriquegil17

Enrique Gil (right) on Liza Soberano's anointment as the new Darna: "Matagal na naming alam yun. I'm 100% for her, 100% suportado ako sa kanya. She deserves it. She deserves every blessing that comes to her."


Agad na dinepensahan ni Enrique Gil si Liza Soberano sa mga namba-bash sa kapareha at nagsasabing hindi raw bagay dito ang maging Darna dahil hindi naman daw masa ang imahe niya.

Sabi nila, bukod sa pagiging Inglisera ni Liza, kitang-kita rin sa aktres ang kanyang American features, na taliwas sa mas nararapat na Pinay na hitsura ni Darna.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enrique noong nakaraang Linggto sa set ng ASAP, hindi naman siya nabahala sa mga negatibong comments.

Sabi niya, “Di mawawala yung bashers.

“Kahit anong gawin mo sa buhay, there are some people na kasama mo, kalaban mo.

“Di talaga mawawala ‘yan. Kahit saan, kahit di sa showbiz, sa buhay, sa kahit na anongg ginagawa mo.

“Kung alam mo sa sarili mo kung ano, what you really like, gawin mo, yun ang importante sa lahat.”

Very proud naman at masaya si Enrique na kay Liza napunta ang Darna.

Ayon pa sa aktor ay matagal na pala nilang alam ang tungkol dito.

Saad niya, “Matagal na naming alam yun.

“I’m 100% for her, 100% suportado ako sa kanya.

“She deserves it.

“She deserves every blessing that comes to her.

“I think she’s gonna be a perfect Darna.

DARNA COSTUME. Nang tanungin namin siya tungkol sa posibleng maging Darna costume, aminado ang aktor na di pa ito gaanong nagsi-sink in sa kanya.

Pero siniguro niya sa amin na buung-buo ang suporta na ibibigay niya sa kapareha.

Pag-amin niya, “Yun nga ang pinag-uusapan namin.

“Medyo weird nga, kasi iniisip ko parang naka-under... e, yun dapat ang armor mo, di ba?

“I think there’s an armor na underwear ang dating but I don’t know, I’m not sure.

“Baka iibahin nila nang kaunti yung costume.

“I don’t know. Tingnan natin.

“Kailangan ko munang makita. Pero as of now, lahat ng suporta ko, ibibigay ko sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVICE FOR LIZA. Sa interview kamakailan kay Liza ay nabanggit nito na si Enrique ang nagpayo sa kanya na dapat ay makasanayan na rin niya na makipagtrabaho sa ibang artista para mag-grow siya bilang isang artista.

Kinumpirma rin ito sa amin ni Enrique.

“Yeah, kasi sanay na siya to work with me.

“Nung nag-MMK siya, sabi nya baka di raw siya sanay na di raw ako kasama.

“Sabi ko, kailangan niya yun.

“Ganyan ako nung nagsisismula, like lagi akong pine-pair sa iba, I don’t really stick to one.

“It makes you grow as an actress, as an actor, so sabi ko, 'Kaya mo ‘yan.'

“Nagpunta din ako sa set, bumisita ako just to see how she was.

“Now she is preparing for Darna.

“We’re good. As of now pupunta kami sa Dad niya, isu-suprise namin siya dahil Father’s Day.

“Sana makapag-usap kami ni Daddy. Let’s see.

“As of now wala pa. I’m waiting for the day that our day will be okay,

GRATEFUL. Isa sa pinakamagandang aktres sa ngayon si Liza kung saan marami sa mga kalalakihan ang may crush dito.

Para nga sa iba ay napakasuwerte ni Enrique na bukod sa naging ka-loveteam niya ito ay open naman ang aktres sa espesyal na nararamdaman niya kay Quen.

“Well, suwerte din naman siya sa akin. Joke lang! Hahahaha!

“More than that na gusto siya ng ibang lalake because she’s pretty, it’s more of kasi di nila kilala, e.

“I really know Liza, how is she as a person.

“Iba siya, di ko masabi kung ano ang pakiramdam, basta masaya lang ako.”

TRAINING. Pagkatapos ng matagal-tagal ding panahong hindi siya napanood sa telebisyon, lumabas siya sa ASAP nung nakaraang Linggo.

Kapansin-pansin dito ang pagbawas sa timbang ng aktor na bumagay naman talaga dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I am very great, very good.

“I’ve been kind of away from ASAP, I really needed that.

“Nagte-training na rin ako, nagdyi-gym. I changed my lifestyle.

“Sumasabay ako sa work out ni Darna.

I’m also getting ready for Bagania and for all the projects that coming out soon.”

NEW PROJECT? Kinumpirma noon nila Liza at Enrique na gagawa sila ng isang serye pero sa pilot episode lang nito sila makakasama.

Pagkukuwento naman sa amin ng aktor ay tuluy-tuloy ang taping nila ng nasabing serye at mas humaba pa ang role nila dito.

“Next year pa yun. Superhero din, very action.

“As of now it wouldn't be, parang mas mahaba na.

“It’s good, ang ganda eh, sobrang nag-enjoy kami sa Bagani, taping sa Ilocos, sa Paoay.

“Sobrang ganda talaga, sayang naman kung mabilis lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN