Myrtle Sarrosa to graduate cum laude from UP Diliman

IMAGE Noel Orsal

Myrtle Sarrosa on why she really worked hard to finish her studies: "Yung studies, yung education, 'yan yung greatest investment mo sa sarili mo. Yun ang maibibigay mo sa sarili mo na hindi mo talaga mawawala. Hindi 'yan mananakaw ng ibang tao kasi yung mga natutuhan mo talaga, will stay with you forever."


Pagkatapos ng anim na taong pagsusunog ng kilay para makatapos ng pag-aaral, nagbunga ang lahat ng tiyaga at pagsisikap ni Mrtyle Sarrosa na magtatapos bukas bilang cum laude sa UP Diliman sa kurso niyang BA Broadcast Communication.

Pagkukuwento nga ni Myrtle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa interview sa kanya sa set ng Hero Channel sa 8th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN nung nakaraang Miyerkules, muntik-muntikan pa raw na hindi siya mapabilang sa honor roll dahil na rin sa conflict sa pag-aaral at showbiz.

Lahad niya, “Bale sobrang grateful ko ngayon kasi katatapos ko lang ng school.

“Narinig ko rin yung good news na I’ll be graduating and I’ll be marching with honors sa UP Diliman.

“Nag-aral ako ng BA Broadcast Communication, ga-graduate ako ng cum laude, six years ko siyang kinuha 'tapos sinabay ko talaga siya sa pagsyu-showbiz, sobrang hirap.

“May mga araw talaga na magte-taping kami ng 6:00 am tapos matatapos na minsan kami ng 5:00 am tapos may class ako ng 7:00 am the following day.

“Walang tulog tapos sa school yung class ko from 7:00 am to 7:00 pm tapos the following day magte-taping uli, so challenge talaga siya para sa akin.

“Nagkaroon pa ng mga pangyayari beforehand kasi sinabihan na ako tapos bigla nilang binawi kasi mayroon akong leave of absence.

“'Tapos, yung nangyari was jinustify nila na dahil nga naging working student ako, parang na-realize nila na dapat may understanding din para sa mga working students.

“Nung nag-provide kami ng evidence, binigyan nila ako ng chance na ibalik nila sa akin yung honor.

“Now, officially ga-graduate ako at magmamartsa as cum laude.”

GREATEST GIFT TO PARENTS. Ayon kay Myrtle, sobrang saya ng mga magulang niya na natapos niya ang kanyang pag-aaral kung saan cum laude pa siya sa batch ng mga ga-graduate sa UP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mom ko naiiyak talaga siya kasi kung isang magulang ka, ang dream mo ay maka-graduate yung anak mo.

“Yun nga yung na-realize ko—yung pagka-graduate ang pinaka greatest gift na maibibigay mo sa magulang mo kasi nakita ko sa reaction ng mom ko and ng dad ko, sobrang saya nila.

“Dati pa naman ang dami na nilang sakripisyo para lang makapag-aral ako.

“Ngayong grumadweyt na ako, ito na lang yung gift ko para sa kanila,” pagmamalaki niya.

PROJECTS. Nang tanungin namin kung ano ba ang balak niya ngayong matatapos na siya, binahagi sa amin ni Myrtle na itutuloy niya muna ngayon ang pagsyu-showbiz lalo’t sunud-sunod ang mga proyektong pinagkakatiwala sa kanya ngayon.

Detalye niya, “Actually, sobrang blessed ko.

“Right after kong matapos yung finals exam ko, ang daming dumating na projects.

“I’ll be doing dalawang films under Regal tapos ngayon, kabilang ako sa La Luna Sangre.

“Ako yung kanang kamay ni Richard Gutierrez bilang Terrene, isa rin akong bampira.

“Sobrang blessed namin kasi nung ini-air siya two days ago, magkakasama kaming lahat sa set, nakita ko yung excitement sa buong team, sa buong crew at sa lahat ng casts.

“Lalo na kila Kath and Daniel, alam mo naman na excited sila to do this project at sobrang bagay talaga sa kanila yung role.

“Ngayon tinutul uy-tuloy ko na yung opportunities na dumarating, tinatanggap ko na.

“Nung sinabay ko siya, may mga teleserye akong tinurned down na hindi ko tinanggap pero ngayon I’m back 100%.

“Masaya talaga ako na I pursued my studies.

MESSAGE. Nagbigay din ng mensahe si Myrtle sa mga tulad niyang artista na sinasabay ang pag-aaral at showbizness.

“Sa lahat ng mga artists na gusto pa ring i-pursue ang studies nila, they should go for it kasi yung studies, yung education, 'yan yung greatest investment mo sa sarili mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang maibibigay mo sa sarili mo na hindi mo talaga mawawala.

“Hindi ‘yan mananakaw ng ibang tao kasi yung mga natutuhan mo talaga, will stay with you forever.

“Kung gusto mo pa lalo na i-improve ang sarili mo, kung gusto mo na lalong may matutunan pa, pursue your studies talaga,” diin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN