Angelika de la Cruz reveals her battle with the bulge: "Unfit ka, artista ka... hindi ako kumportable."

IMAGE Noel Orsal

Angelika de la Cruz braves a comeback to television when she's still struggling with her post-natal bulge. But she's winning, having lost 77 pounds in the four months she's on vegan diet and doing Muy Thai. "Bonus lang yung pagliit, pero mas healthy ang feeling mo," she says.


Pagkatapos niyang gawin ang teleseryeng Hanggang Makita Kang Muli noong 2016, pinili muna ni Angelika de la Cruz na mag-lie low sa kanyang career.

Itinuon muna niya ang atensiyon sa pagiging kapitana sa kanilang barangay sa Malabon, maging housewife at nanay sa dalawang anak, at magpapayat.
 
Sabi ni Angelika, “Marami akong trabaho sa Malabon, pinapalaki ko si O2.

“At gusto ko siyempre pagbalik ko, balik ako sa dati kong weight para kumportable.
 
“Naranasan ko nang mag-taping na malaki ako, ang hirap.

“Kapag unfit ka, tapos artista ka, alam mo ang mga chismis.

“Hindi ako kumportable, hindi rin ako makaarte.”

Ang kaibigan at kapatid niya sa PPL Entertainment, Inc. na si Sunshine Dizon daw ang naging daan kung bakit napabilis ang pagbabalik-telebisyon niya.

Pumasok na si Angelika bilang bagong karakter sa pinagbibidahang afternoon drama series ni Sunshine, ang Ika-6 Na Utos.

Bago ito, nagkasama na ang dalawa sa ilang matagumpay na teleserye ng Kapuso network. 

Una na rito ang Ikaw Lang Ang Mamahalin noong 2001 at Mundo Mo’y Akin noong 2013.
 
Kuwento ni Angelika, “Tinawagan niya ako... nakakatawa nga, kasi noong una nga, text.

“Sabi niya, ‘Mars, handa ka na bang mag-work? Payat ka na ba?’ 

“Kasi alam niyang nag-i-struggle ako dun.
 
“Sabi ko na-wrong send yata ‘to, kasi baka hindi ako.

"Tapos sinabi niya nga sa akin na, yun, 'Sa Ika-6 Na Utos, tanggapin mo.'

“Sabi ko, sige, titingnan ko kung handa na ang katawan ko, siyempre, iba pa rin yung paglabas mo...

“E, kasi, noong huling labas ko, halos di mo ko makikilala.
 
“Mineeting nila ako. Maganda naman ang ano nila..."
 
Natawang dagdag niya, “Siyempre si Tito Perry [Lansigan, her manager] din, 'Gawin mo na ‘to, ‘no, wala ka nang ginagawa, post ka lang nang post ng kung anu-ano.'
 
“Sige na nga, magtrabaho na tayo ulit. Pero dapat talaga, next year pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelika sa taping ng Ika-6 Na Utos, sa New Manila, Quezon City, noong June 21.

BATTLING THE BULGE. Halos parehong timbang lang daw ang nadagdag sa kanya sa pangalawang pagbubuntis ni Angelika.

Nagkataon lang daw na may siyam na taon ang pagitan sa ikalawang pagbubuntis niya.
 
Natatawang sabi ng 35-year-old actress, “E, siyempre, it was easier, nine years younger.

"Ayoko mang aminin, pero kapag umoonda [tumatanda] ka na, mahirap na."

Bukod sa pagiging vegan, nagmu-Muay Thai rin daw si Angelika ngayon.
 
May apat na buwan na raw siyang vegan diet, kaya naman may 77 pounds na sa timbang niya ang nawala.

Mga 10 pounds na lang daw ang kailangan niyang ibawas.
 
Ayon pa kay Angelika, “Bonus lang yung pagliit, pero mas healthy ang feeling mo.

“Yung sugar ko, normal na, yung acid ko, nawala... very acidic ako, kahit nagkakape ako, nawala.”

THE GOOD SISTER. Samantala, ang bunsong kapatid ni Angelika na si Mika dela Cruz ay nakapagsimula na rin mag-establish ng career bilang isang Kapuso.

Kabilang si Mika sa matagumpay na primetime series na Meant To Be, na nagtapos lamang noong nakaraang linggo.

Masaya raw si Angelika para sa kapatid.

"Siyempre, stage sister… stage ate!" natawang pag-amin niya.
 
“Si Mika kasi, very simple, mabait na bata ‘yan.

“Gusto niya lang nag-aaral habang nagwu-work, matalino kasi yun; happy siya ng ganun.”
 
Istrikto ba siya sa kapatid pagdating sa boys?
 
Sabi ni Angelika, “Hindi na kailangan, hindi siya malandi.
 
“Kailangan magkaroon siya ng takot, e, may takot na, na-establish ko na. 

“Na-establish ko na yung huwag kang gumaya sa akin. Etchos!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN