Paolo Ballesteros gives hints about breakup with boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Paolo Ballesteros reveals that his latest relationship with a certain dancer just lasted for about four months. 


Naging tampulan ng biro si Paolo Ballesteros ng kanyang kapwa hosts sa Eat Bulaga! dahil sa mga pahaging niya patungkol sa kanyang love life.

Matatandaang unang naibalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa diumano'y boyfriend ni Paolo nitong April.

Kinilala ang lalaki bilang si Roland Ochoa Anog, isang dancer.

Pagdating ng Mayo, lumabas ang espekulasyong naghiwalay sila dahil na rin sa makahulugang social media posts ng dalawa.

Sa pinakahuling ulat sa PEP noong May 30, itinanggi ng kampo ni Paolo na may hiwalayang nangyari.


Stories We Are Tracking

Paolo Ballesteros's camp denies breakup with rumored BF
Paolo Ballesteros's camp denies breakup with rumored BF
Paolo Ballesteros keeps up guessing game about his love life
Paolo Ballesteros keeps up guessing game about his love life

Ngunit hindi dito natapos ang balita tungkol sa diumano'y breakup nila.

PAOLO’S REVELATIONS. Sa episode ng Eat Bulaga! nitong Lunes, June 26, naging malaman ang mga komento ni Paolo.

Sa "Juan For All, All For Juan" segment, ibinahagi ng "Sugod Bahay" winner na si Renilda, isang lesbian, na mayroon siyang girlfriend.

Komento ni Paolo: “Buti ka pa.”

Dahil dito, tumawa ang co-hosts niyang sina Ruby Rodriguez, Allan K, at Joey de Leon.

Hirit naman ni Ruby: "Ang tawag diyan, hashtag hugot."

Tila kinumpirma rin ni Paolo ang hiwalayan nila ni Roland at single siya ngayon.

Inusisa kasi si Renilda kung gaano na sila katagal ng kanyang girlfriend, at sinabi nitong limang buwan.

Hirit naman ni Paolo: “Buti pa kayo umabot sa five [months].”

Tanong naman ni Wally Bayola kay Paolo: “Kayo ba?”

Sagot ni Paolo: “Magpo-four na, e.”

Hirit muli ni Ruby: “Hashtag naudlot.”

Ibinahagi rin ni Paolo na ang tawagan daw nila ng kanyang dating boyfriend ay “Babyy, double y.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN