Joshua Garcia asked by Dennis Padilla if he's courting daughter Julia Barretto

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia on Julia Barretto: "Sa pagkakakilala ko kay Julia, sa buong ano namin, mula noon hanggang ngayon, hindi ko nakita ang arte sa kanya. Si Julia yung tao na maano lang ang mood swings niya, pabagu-bago. Nakuha ko kasi siya agad, e, titimplahin mo muna. Hindi naman lahat ng tao pare-parehas, e."


Nakilala na nang personal ni Joshua Garcia ang ama ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.

Kuwento ng binatang aktor, “Nung Father’s Day, magkasama sila, kasama ako dun.

“Nagkita-kita kami sa Morato, nag-dinner kami.

“Ipinakilala ako, nagka-bonding naman kami, tawanan kami agad.

“Komedyante, sobrang nakakatawa, sobrang bait, saka approachable siya.

“First time ko siyang na-meet. Nung una, kinakabahan pa ako."

Inamin ni Joshua na tinanong siya ni Dennis kung nililigawan ba niya si Julia.

“Nakaka-pressure siya magtanong, pero habang tumatagal yung pag-uusap, napapalagay na ako.

“Same sila ng papa ko, sobrang simple lang, hindi sila ma-showbiz. Nagka-jive kami agad.

“Tuwang-tuwa naman siya, hiningi niya ang number ko, ibinigay ko naman.

“Nag-text siya sa akin na, ‘Thank you…’ anak nga ang tawag sa akin.

“Feeling ko, nagtiwala na lang siya sa akin, alam niya naman."

Maayos na rin daw ang relasyon ni Julia at ng ama nito.

Sabi ni Joshua sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, wala akong nakita na may problema ang dalawa.

“Nung nakita ko sila, parang barkada lang sila, tawanan lang kami.

“Actually wala akong idea sa issue nila, nung nakita ko sila, parang wala.”

Ayon kay Joshua, desisyon ni Julia ang makipag-ayos sa ama.

“No, siya yun, kanya yun,” diin niya.

DEFENDING JULIA. Dahil madalas silang magkasama at close na rin sila isa’t isa, inamin ni Joshua na isa siya sa mga taong pinagsasabihan ni Julia ng mga problema nito.

Sabi ng Kapamilya actor, “Yes, basta ako, nanduduun lang ako pag kailangan niya ako.

“Hangga’t maaari, nasa likod niya lang ako, hindi ako nakikisawsaw. Basta nandun lang ako sa likod niya.

“Walang puwedeng mambastos o mang-ano kay Julia.”

Kung si Joshua ay hindi nagpapaapekto sa bashers, nasasaktan naman daw ang binata kapag si Julia na ang bina-bash.

“Yes, sobra, lalo na pag nababasa ko na maarte… ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa pagkakakilala ko kay Julia, sa buong ano namin, mula noon hanggang ngayon, hindi ko nakita ang arte sa kanya.

“Si Julia yung tao na maano lang ang mood swings niya, pabagu-bago.

“Nakuha ko kasi siya agad, e, titimplahin mo muna.

“Hindi naman lahat ng tao pare-parehas, e.

“Saka si Julia naman, hindi naman niya pini-please ang lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN