Janella Salvador insists she and Elmo Magalona are not yet an item

IMAGE Noel Orsal

Janella Salvador says she and Elmo Magalona are not yet an item. According to the 19-year-old actress, "Bawal pa po kasi, hindi pa po yun ang focus ko, pumasok sa isang relationship."


Ayon sa Kapamilya actress na si Janella Salvador, mas napapasaya siya ngayon ng ka-love team na si Elmo Magalona.

Sweet na sweet nga raw si Elmo sa kanya noong nagsu-shooting sila ng pelikula nilangĀ Bloody Crayons.

Saad ng 19-year-old actress, "Napapasaya naman niya ako. Lagi niya akong inaalagaan.

"He always makes sure I'm okay, tapos hindi niya ako iniiwan sa set.

"Lagi niya ako inaantay kahit pack-up na siya tapos ako hindi pa, wine-wait niya ako."

Dahil sa sweet gestures ni Elmo ay hindi maiwasang isiping baka may namamagitan na sa kanilang dalawa.

Ngunit diin ni Janella, "Bawal pa po, kasi hindi pa po yun ang focus ko, pumasok sa isang relationship."

Nakapanayam ngĀ PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janella sa press conference ng Bloody Crayons kahapon, June 27.

Nilinaw rin ni Janella na hindi siya pinagbabawalan ng ina niyang si Jenine Desiderio na magka-boyfriend.

Ayon sa kanya, choice niya raw na i-prioritize muna ang kanyang career.

Saad ng teen actress, "Hindi naman niya sinasabi na bawal, pero yun lang yung advice sa akin.

"And it's my choice na rin, kasi hindi pa dapat yun yung pina-prioritize ko as of now.

"Siguro kapag mas stable na and mas kaya ko na, kapag kaya ko nang i-balance yung responsibilities.

"Pero I'm enjoying naman. Hindi naman sa hindi ako nag-e-enjoy na pinipigilan ko yung sarili ko, and I'm happy naman."

Ito rin ang naging pahayag ni Janella sa huling panayam sa kanya ng PEP noong April 2017, kung saan sinabi niyang magkaibigan lang sila ni Elmo.


Stories We Are Tracking

ElNella mum on Jenine Desiderio's cryptic tweets
ElNella mum on Jenine Desiderio's cryptic tweets
Janella clears Elmo in her mom's cryptic tweets
Janella clears Elmo in her mom's cryptic tweets
Janella figures in accident while shooting film; Elmo reacts
Janella figures in accident while shooting film; Elmo reacts


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN