Patricia Javier denies being the breadwinner of her family

IMAGE Noel Orsal

Patricia Javier is happily resettled in the country with her chiropractor husband, Rob Walcher, and their two young sons. As for talks she is financially supporting her family, she clarifies, "Ang pag-aartista, seasonal. Mas stable ang chiro kaysa pag-aartista. Nandyan si Doc, siya yung money-ger. We're good combo, kaming dalawa." 


Nakabalik na sa acting si Patricia Javier ngayong tila permanente na ang pagbabalik niya sa Pilipinas kasama ang kanyang pamilya.

Parehong lalaki ang dalawang anak ni Patricia at ng American husband niyang si Rob Walcher, isang chiropractor.

Pero may usap-usapang si Patricia ngayon ang bumubuhay sa kanyang pamilya, dahil siya ang may trabaho at nagsisimula pa lang sa kanyang chiropractic clinic si Rob.

Pinabulaanan naman agad ito ng nagbabalik na aktres.

Sabi ni Patricia sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nag-open kami ng business dito, yung clinic.

“Sa totoo lang, kung wala ang chiro practice ni Doc… alam mo naman ang pag-aartista, seasonal ‘yan. Hindi naman right away we get yung talent fee.

"I can say mas stable ang chiro kaysa sa pag-aartista. 

“Buti na lang nandiyan si Doc, kahit paano siya yung manager ko, money-ger, habang wala pa yung TF ko.

“We’re good combo, kaming dalawa.”

Ayon pa kay Patricia, dahil na rin sa mga biyayang dumarating at positibong pananaw sa buhay, hindi naman sila nagkakaroon ng financial problem.

“Lahat naman napu-provide, nakaka-survive.

"And yung maganda lang sa amin ni Doc, we don’t stop. We really work hard.

“Basta masipag ka, hindi magugutom. 

“Yun ang sinasabi namin sa mga anak namin, na work hard and then be happy.”

Kasama si Patricia sa cast ng upcoming afternoon drama series ng GMA Network na Haplos.

MORE FUN IN RP. Kumpara sa buhay nila sa States, saan siya mas kumportable—dito o doon?

Nakangiting tugon ni Patricia, “Siyempre, buhay sa States.

"Doon, everything kasi, parang proper alignment.

“Naka-align ang buhay mo, parang kina-chiropractor ang life mo. 

“Pero when it comes to excitement, yung journey namin, parang adventure dito sa Pilipinas. 

“Ang daming adventure na na-experience namin, yung mga pagsubok na nalampasan namin.

“Sa States, medyo boring."

Dagdag niya, "Mas maraming times sa Pilipinas na nakakapag-travel kami kaysa sa ibang lugar sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Amerika, nandun lang kami, hindi kami masyadong nakakapag-travel. 

“Kasi doon, parang naka-align na yung buhay mo na hindi ka puwedeng hindi papasok. 

“Yung work pa lang, nakatali ka na.

"E, dito, may work ka bukas, puwede kang gumimik ngayon.”

PATRICIA'S KIDS. Ten at five years old ang edad ng kanyang mga anak, na unti-unti na raw nakaka-adjust sa kultura sa Pinas.

“Medyo-medyo,” nangingiting sabi ni Patricia.

“May mga po, opo na sila, nagbi-bless na rin sila, tito, tita, ganyan. 

“Pag may ipinakilala ako, ‘This is tita’, maghi-hi, hello na agad sila, 'Kumusta po.;

"Nag-aaral sila ng Tagalog."

Wala rin daw rivalry na namamagitan sa magkapatid.

Sabi ni Patricia, “Ang nangyayari, talagang kuyang-kuya ang isa. 

“Yung isa naman, sobrang lambing na palaging nakaano sa kuya, he follows in the footsteps of the kuya.

“Yung anak ko namang panganay follows in the footstep of his dad naman.”

MOMMY ROLES. Wala raw problema kay Patricia kung sunud-sunod man ang mother roles na ginagampanan niya.

Una sa nagtapos ng teleserye ng ABS CBN, ang Doble Kara, bilang protective mother ni Edgar Allan Guzman.

At dito sa latest afternoon offering ng GMA-7, ang Haplos, na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Thea Tolentino. Nanay ni Sanya ang papel na gagampanan ni Patricia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN