McCoy de Leon considers Coco Martin as his inspiration

IMAGE Instagram

McCoy de Leon says it was Coco Martin who told him to try indie movies.


Aminado ang Kapamilya actor na si McCoy de Leon na si Coco Martin ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya para sumabak sa pag-arte sa indie films.

Kaya nang dumating ang offer para maging bida sa pelikulang Instalado ay kaagad daw niya itong tinanggap.

Ang Instalado ay isa sa anim na finalists sa 2nd TOFARM Film Festival 2017 at kasama ni McCoy dito as lead actors sina Junjun Quintana at Francis Magundayao.

“Actually po, kay Kuya Coco po ako na-inspire mag-indie. Kasi sabi po niya magandang way po iyon para mag-umpisa,” sabi ni McCoy.

Nagsimula rin kasi si Coco sa indie movies.

Nagkakausap sina McCoy at Coco ngayon dahil magkatrabaho sila sa ABS-CBN primetime teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano, kung saan gumaganap sila bilang magbayaw.

Sa istorya, kapatid si McCoy ni Yassi Pressman, na gumaganap namang asawa ni Coco.

What’s the best thing about Coco Martin?

“Pag off-cam po talaga, sobra po talaga niyang lakas makisama.

"Masasabi ko po madali po siyang lapitan talaga.

"Mayroon kasi, pag on-cam lang okay.

"Pero siya po, mabait po talaga. Makamasa po siya talaga.”

May mga nagsasabi na magkahawig sila ni Coco. Looking forward ba siya na maging next Coco Martin hindi lang sa looks pati sa achievements?

“Masarap sa pakiramdam po na naku-compare po ako.

"Pero marami pa po akong kakaining bigas, and nandoon pa po ako sa baba.

"Marami pa po akong dapat i-experience.

“Kaya sa akin, mananatili pa rin pong Coco Martin siya na inspirasyon ko pagdating sa acting.

“Actually, hindi lang sa acting kundi sa pakikisama rin po.

"Idol ko po si Kuya Coco.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si McCoy sa presscon ng TOFARM Film Festival 2017 na ginanap sa Novotel Cubao noong Huwebes, June 29.

BIG SCREEN BREAK. First movie ni McCoy ang Instalado.

Nagpapasalamat nga siya sa break na ito sa TOFARM sa pamumuno ng Festival Director na si Maryo J. delos Reyes at ni Dr. Milagros O. How, TOFARM Chief Avocate at Excecutive Vice-President ng Universal Harvester Inc. Big blessing daw ito sa isang baguhang katulad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakakatuwa isipin na gumagawa ka ng proyekto, at the same time nakakatulong ka sa kapwa mo po sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mensaheng nakapaloob sa aming pelikula.

“Mas lalo kong gustong pursigihing suportahan ang TOFARM Film Festival at sa susunod pa nilang festivals.

"Kasi first movie ko ito.

"Kumbaga, sa buong buhay ko, yung unang palabas ko, ang TOFARM ang nagbigay ng opportunity, ng break sa akin,” ani McCoy.

Kasama rin sa pinasasalamatan niya ang direktor ng Instalado na si Jason Paul Laxamana, na pumili sa kanya para maging isa sa mga bida ng pelikula.

“Si Direk Jason po the best sa akin.

"Kasi relax lang siya, pero yung mga atake niya pag napanood mo na, ang lalim pala ng meaning.

“Kasi may mga scene na akala ko simple lang pero yun pala ang lalim ng ibig sabihin.

"Doon ko siya hinangaan talaga.”

Ang Instalado ay isang sci-fi at futuristic movie kunsaan ang dominant form of education ay sa pamamagitan ng installation.

Isang knowledge chip ang ini-install sa utak ng tao upang instant na magkaroon ng kaalaman at hindi na kinakailangang mag-aral.

Ginagampanan ni McCoy ang role ni Victor, isang magsasaka na nais iahon sa kahirapan ang pamilya niya.

Hanggang sa magkita sila ng kanyang childhood friend na isang Instalado at kukumbinsihin siya nitong sumailalim na rin sa installation upang maging maganda ang buhay niya.

TOPLESS. Sa trailer ng Instalado, makikita ang ilang eksena na naka-topless si McCoy habang nagsasaka at nagpapaligo ng kalabaw.

May mga fans na nagkokomento na ang hot at sexy niya.

Ano ang masasabi niya rito?

“Ano lang po iyon siguro... sa akin, kakaiba kasi topless.

"Thank you po sa mga nagsasabi.

"Pero mas nag-focus po talaga ako sa character ko bilang magsasaka.

“Kasi pag nandoon ka na sa eksena wala ka nang pakialam sa hitsura mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa probinsiya naman kahit nakahubad okey lang.”

Mas marami pa bang skin ang makikita sa kanya sa pelikula bukod sa nakita sa trailer?

“Naku, konti lang po, konti lang po talaga.

"Hindi naman po ako talaga nagpa-sexy dito.

"Siyempre po nagpapaligo ng kalabaw, dapat topless.

"Konti-konting balat pa lang po kasi bata pa po ako,” natatawang sabi niya.

In the future, ready din ba siyang magpa-sexy katulad ng ginagawa ng ibang young actors ngayon?

“Sa akin po, kasi hindi lang naman iyon pangyabang lang.

"Yung ginagawa nila to be fit and sexy ay para rin sa health, di ba?

“Wala naman pong masama doon kung maging ganun din yung path na puntahan ko.

"Sa akin kasi, iniisip ko na yung pagiging sexy ay pagiging healthy din.”

Samantala, bukod sa Instalado, kabilang din sa TOFARM Film Festival 2017 finalists ang Baklad ni Topel Lee, High Tide ni Tara Illenberger, Kamunggai ni Vic Acedillo Jr., Sinandomeng ni Byron Bryant, at What Home Feels Like ni Joseph Abello.

Mapapanood ang anim na entries sa TOFARM Film Festival 2017 sa selected cinemas mula July 12 to 18. Magaganap naman ang awards night sa July 16.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN