Pancho Magno says wedding with Max Collins will be memorable for everyone

IMAGE Pancho Magno on Instagram

Pancho Magno says no date yet for wedding with fiancée Max Collins but wants, "the wedding will be memorable not only for us, but for all our guests as well."


Nagbigay ng konting detalye ang Kapuso hunk na si Pancho Magno tungkol sa magiging wedding nila ng kanyang fiancée na si Max Collins.

Apat na taong may relasyon sina Pancho at Max, at nag-propose ang aktor kay Max noong nakaraang May 2017.

Sa naging interview ni Pancho sa news program na 24 Oras noong nakaraang June 27, wala pa raw silang definite plans ni Max, pero umaasa sila na magaganap ang kasalan sa taong ito.

Since pareho raw silang Christians, isang Christian garden-themed wedding ang gusto nilang mangyari.

“It will be a Christian wedding since we go to Victory Church.

“It will be a garden wedding, but we want it to be somehow different than the usual and we also need to prepare for any contingency in case the weather will not cooperate.

“Gusto kasi namin that the wedding will be memorable not only for us, but for all our guests as well,” ayon pa kay Pancho.

PREPAREDNESS FOR MARRIAGE. "Wife material" nga raw si Max at isa sa nagustuhan niya sa Kapuso actress ay ang pagiging God-fearing nito.

“We started out as friends before we became a couple, which really strengthened our bond,” ngiti pa niya.

Plano ba nilang magka-baby agad pagkatapos ng kasal?

“'Yan yung mga dapat naming pag-usapan at pagplanuhan. We’ll take it one step at a time.

“Ang mahalaga sa amin ngayon is to prepare ourselves for the wedding, not only of course the physical aspects of it, but more importantly yung spiritual preparedness naming dalawa.

“Marriage, after all, is a lifetime commitment.

“The wedding is just a start, but what we should really prepare for is the ever after.”

Isa si Pancho sa kasama sa cast ng bagong teleserye ng GMA-7 na Haplos kunsaan bida sina Rocco Nacino at Sanya Lopez.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN