Ricky Lee reveals why he resigned as MMFF 2017 official

Award-winning film writer Ricky Lee on resignation as MMFF 2017 Executive Committee member: "Noong una pa man nang pumayag akong sumali, nag-decide na ako na mag-i-stay lang ako kung ipagpapatuloy nito ang nasimulan nang reforms ng 2016. Sa nagiging takbo ng mga pangyayari ngayon ay mukhang malabo na iyong mangyari."


Dismayado ang award-winning film writer na si Ricky Lee sa resulta ng selection ng film entries para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017.

Sa kanyang Facebook post ngayong araw, Hulyo 1, kinumpirma ni Lee na umalis siya sa puwesto bilang MMFF 2017 Executive Committee member.

Ito ay sa kadahilanang nabasura umano ang nagawang reporma noong MMFF 2016, na naglalayong mas bigyan ng prayoridad ang artistic excellence kaysa commercial viability ng isang film entry.

Paliwanag ni Lee, “Sa mga nagtataka at nagtatanong kung bakit ako nag-resign bilang miyembro ng Execom ng MMFF, simple lang naman ang sagot.

“Noong una pa man nang pumayag akong sumali, nag-decide na ako na mag-i-stay lang ako kung ipagpapatuloy nito ang nasimulan nang reforms ng 2016. 

“Sa nagiging takbo ng mga pangyayari ngayon ay mukhang malabo na iyong mangyari. Kaya wala na ring dahilan para mag-stay pa ako.”

Tulad ni Lee, nag-resign din bilang MMFF Execom member si Rolando Tolentino na tumayong representative mula sa academe sa all-Filipino-films festival.

Kahapon, Hulyo 1, inihayag ni Tolentino na naitsapuwera ang indie o independent films sa festival lineup ngayong taon.

Gayong noong simula ng MMFF 2017 ay tiniyak niya na walang mangyayaring dichotomy sa pagitan ng mainstream at indie sa selection ng eight official entries o Magic 8.

Sa hiwalay na ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni MMFF 2017 Execom member at spokesman Noel Ferrer na isa sa mga dahilan kaya umalis sa puwesto si Lee ay dahil sa ilang personal na rason. 

"They may have their own reason/s for leaving and we respect those.

"Besides, some of Ricky's films too, we were earlier informed are to be submitted submissed as finished films. 

"We have always admired his integrity."


Stories We Are Tracking

Resigned MMFF 2017 exec hints at protest vs. four entries
Resigned MMFF 2017 exec hints at protest vs. four entries
MMFF 2017 spokesman answers Rolando Tolentino's festival woe
MMFF 2017 spokesman answers Rolando Tolentino's festival woe

Sa karagdagang pahayag ni Ferrer, Hulyo 4, sinabi nitong nanghihinayang siya sa pag-alis sa puwesto nina Lee, Tolentino, at Alikpala. 

Ani Ferrer, "Sobrang nirerespeto ko sina Roland, Kara, lalo na si Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, they may have their own reason/s for leaving and we respect those. 

"Pero sayang - lalo na si Ricky na dapat nasa Selection Committee pa kundi lang sa mga ibang pelikula niya na isusubmit daw bilang finished film entries. 

"Sobrang bilib ako sa delicadeza at integridad ni Ricky, kaya naman ikakampanya ko yan bilang National Artist. 

"Malaki pa sana ang maiaambag nina Roland, Ricky, at Kara sa Execom."

FILM ENTRIES WHICH JOINED MMFF 2017. Base sa MMFF 2017 presscon noong May 9, narito ang listahan ng film entries na sumali sa festival ngayong taon: 


Hunyo 30 nang inanunsiyo ng pamunuan ng MMFF 2017 na pasok sa Magic 8 ang script submissions ng mga sumusunod na pelikula: Ang Panday (CCM Creative Productions, Inc.), Almost Is Not Enough (Quantum and MJM Productions), The Revengers (Star Cinema and Viva Films), at Love Traps #FamilyGoals (Octo Arts Films).


Stories We Are Tracking

Here are the first four MMFF 2017 entries
Here are the first four MMFF 2017 entries


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN