Ex-couple Robi Domingo and Gretchen Ho joke about their breakup

IMAGE Instagram (@143robichen)

In a recent fun run, ex-couple Robi Domingo and Gretchen Ho had no problem hosting together and even made fun of their past relationship. 


Ikinakilig ng audience ang biruan at tuksuhan ng dating magkasintahang sina Robi Domingo at Gretchen Ho sa isang event nitong weekend.

Sina Robi at Gretchen ay naging hosts ng 10th Fit and Fun Wellness Buddy Run, na ginanap sa Camp Aguinaldo, nitong Linggo, July 2.

Sa video na in-upload sa Instagram (@143robichen), mapapanood ang tuksuhan ng dating magkasintahan at dinig na dinig ang hiyawan ng fans.

Narito ang takbo ng usapan ng dalawa habang nasa entablado:

Robi: "Alam mo, hindi tayo tumakbo pero ba’t parang sobrang pinapawisan ako dito onstage?"

Gretchen: "Kinakabahan ka ba?"

Robi: "Ba’t ako kakabahan?"

Gretchen: "Pawisan ka, di ba?"

Robi: "Ikaw, kinabahan ka ba?"

Gretchen: "Actually, hindi pa nga ako pawis, e. Parang gusto ko kasing magpawis ngayon, e. Puwede ba tayong magpawis?"

Robi: "Anong gusto mong gawin? Ha-ha-ha!"

Gretchen: "Gusto kong mag-cool down."

Robi: "Sa dinami ng pinagdaanan natin, magku-cool down pa tayo?"

Sa puntong ito, maririnig ang hiyawan ng audience, na tila nabuhayan ng loob sa posibleng pagbabalikan ng dating magkasintahan.

Pagkatapos ay ibinaling na ni Gretchen ang paksa sa event.

COMMON DENOMINATOR. Sa isa pang YouTube video ng blogger na si Runner Rocky, na kuha sa parehong event, naging makahulugan din ang hirit ni Robi.

Nang sabihin ng blogger na nakatutuwang makitang magkasama ang dating magkasintahan, sagot ni Robi: “Every single year, hopefully.”

Natanong din ang dalawa kung saan sila maaaring makita bukod sa paghu-host ng nasabing fitness event.

Ani Gretchen, “If we’re not hosting, we’re running.

"Kasi we both love fitness, we both love taking care of our bodies.

"So, talagang big fun kami sa mga fun run."

Inanunsiyo nina Robi at Gretchen ang kanilang paghihiwalay, pagkatapos ng tatlong taong pagsasama, noong March 2017.

Ang kagustuhan nilang mag-focus sa kani-kanilang career ang sinabing dahilan ng dalawa sa kanilang breakup.

Nito ring Mayo, nagbigay ng isang mensahe si Robi kay Gretchen sa Binibining Pilipinas 2017 coronation night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Host si Robi ng nasabing event, samantalang isa sa mga hurado si Gretchen.

Idinaan ni Robi ang message kay Gretchen sa isang recorded video na napanood pagkatapos ng closing credit ng pre-pageant video.

Dito ay humingi ng sorry at second chance si Robi.


Stories We Are Tracking

Robi Domingo asking for a reconciliation with Gretchen Ho?
Robi Domingo asking for a reconciliation with Gretchen Ho?
Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup
Gretchen Ho, Robi Domingo confirm breakup


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN