Ogie Diaz clarifies connection to businessman Xian Gaza

IMAGE Facebook photo of Ogie Diaz

Ogie Diaz (center) admits that he used to be one of the investors in Xian Gaza's (left) coffee business. Xian is the guy who put up a billboard for actress Erich Gonzales (not in photo). The young businessman, who is now being accused of being a scammer, also used to give gifts to Liza Soberano (right).


Nagsalita na rin ang comedian/radio host/talent manager na si Ogie Diaz tungkol sa pagkakaugnay ng pangalan niya sa young businessman na si Xian Gaza.

Naging viral ang pangalan ni Xian dahil sa ginawa niyang billboard sa Morayta, Manila para imbitahang magkape ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales.


Stories We Are Tracking

Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard
Young CEO asks Erich for a coffee date via billboard
Erich Gonzales admirer denies using her for business strat
Erich Gonzales admirer denies using her for business strat

Nabanggit kasi ng isang netizen ang pangalan ni Ogie, bilang isa umanong business partner ni Xian, sa kanyang mahabang Twitter thread ngayong araw, July 4.

Dito ay inilahad ng isang Dewanie Catapang ang diumano'y ginawang pang-i-scam ni Xian sa maraming tao.

Si Xian ay nagpakilala bilang CEO ng Hong Kong-based company na Guaxiquian Group.


Stories We Are Tracking

Netizen claims Erich Gonzales's admirer is a scammer
Netizen claims Erich Gonzales's admirer is a scammer

BUSINESS PARTNERS? Sa pamamagitan ng Facebook post ngayon ding Martes, nilinaw naman ni Ogie ang konekisyon niya kay Xian.

Pahayag niya, “Kilala ko siya. Mabait naman siya sa akin at sa mga kaibigan ko. In fairness.

“Yes, inalok niya akong investor sa civet coffee business niya, pero nag-pullout po ako ng investment [with interest gain naman] dahil kailangan ko ng pera para sa isang property na deadline na for full payment about 2 weeks ago.”

Pero wala raw alam si Ogie tungkol sa pagpapagawa ng billboard ni Xian para kay Erich.

“Yung kay Erich Gonzales na viral ngayon, hindi ko po alam yan.

"Baka diskarte niya yan bilang manliligaw. Nung na-viral na, dun ko lang nabasa."

Ayon pa kay Ogie, humingi ng paumanhin si Xian sa kanya dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya, pati na ng alaga niyang si Liza Soberano, sa isyung ito.

“Hiyang-hiya nga sa akin si Xian at nagso-sorry dahil nadadamay na raw ako at yung pagpapa-picture niya with Liza Soberano ay nagagamit din.”

Katulad ni Erich, minsan na ring sinubukang kunin ni Xian ang atensiyon ni Liza sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang portrait sa aktres at pagdalo sa Dolce Amore Choose Love concert nito noong August 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, muling nilinaw ni Ogie na wala siyang alam sa mga negosyo ni Xian bago pa sila magkakilala.

“Hindi ko po alam ang mga transactions niya in the past.

“Kung meron mang concerns ang ibang tao sa kanya, dumirekta na lang po sa kanya, wag na po sa akin.

“Mula nung mag-pullout po ako ng investment (parang ang laki-laki naman, hahaha!) sa kanya, hindi na po kami nagkita.

“Huli naming usap ay yung na-viral ang coffee invite nya kay Erich.”

Biro pa niya, “Nagtampo nga ako sa potah dahil pag nagkakape kami, hindi naman naman niya pinapagawaan ng billboard. Charot.”

ELLA CRUZ'S MOM. Samantala, iba naman ang karanasan ng ina ni Ella Cruz na si Jesica Cruz kay Xian.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sinabi ni Jesica na biktima sila ng pang-i-scam ni Xian.

Minsan na ring sinuyo ni Xian si Ella at ipinost ang larawan nilang magkasama sa social media.


Stories We Are Tracking

Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag na nais iparating ni Xian bilang paglilinaw sa mga akusasyon laban sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN