Claudine Barretto files complaint against basher of 2-year-old adopted daughter

IMAGE Noel Orsal

Nagtungo si Claudine Barretto sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) ngayong araw ng Miyerkules, July 5, upang opisyal na maghain ng reklamo laban sa basher ng kanyang bunsong anak.


Tinuluyan na ni Claudine Barretto ang basher ng kanyang two-year-old adopted daughter.

Nagtungo ang aktres sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila ngayong Miyerkules ng hapon, July 5, upang pormal na maghain ng reklamong cyberbullying laban sa netizen na nagngangalang Peggy Enriquez.

Ito ay dahil sa pagtawag umano ng basher sa kanyang anak na “panget” at “looks like batang lansangan.”


Stories We Are Tracking

Claudine Barretto lashes out at adopted daughter's basher
Claudine Barretto lashes out at adopted daughter's basher

Noong June 28, Miyerkules, ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account ang screenshots ng mga komento ni Peggy tungkol sa kanyang adopted daughter.

Ayon sa aktres, galit siya dahil wala pang kamuwang-muwang ang kanyang dalawang taong gulang lamang na anak.

Sabi pa ni Claudine sa Facebook Live ng News5, nabuo nila ang lahat ng mga ebidensiya at impormasyon laban sa naturang basher sa pamamagitan ng mga ipinadalang mensahe ng mga katrabaho ni Peggy sa kanya.


Hindi na raw bago kay Claudine ang bashing, ngunit pagdating sa kanyang anak ay ipaglalaban daw niya ito nang patayan.

Saad ng aktres, “Bata pa, e, two years old pa, e. She cannot talk. She cannot defend herself.

"God gave her to me and it’s my duty to defend her and to be a mother to her which I am.

“And so that, hindi rin ito mangyari sa ibang tao.

“And based sa background of this girl na her friends… contacting me, siguro mga 8 or 9 na sila na willing na tumestigo dahil binu-bully daw sila ng babaeng ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN