Bela Padilla open to working with Angel Locsin

IMAGE Noel Orsal

Nothing to it, according to Bela Padilla, that her ex-boyfriend Neil Arce and Angel Locsin are hitting it off well. She says, "Mayroon kaming foundation of friendship ni Neil. Mabait kami sa isa't isa… wala kaming sama ng loob."

 


Bukas si Bela Padilla sa posibilidad na makatrabaho sa isang proyekto si Angel Locsin.

Hindi ito malayong mangyari dahil pareho silang contract artists ng ABS-CBN.

Si Bela ay ex-girlfriend ng businessman-film producer na si Neil Arce, na rumored boyfriend ngayon ni Angel.

Pahayag ni Bela, “I would love to work with her.

"Isa siya sa mga talagang masarap panoorin. Pag umiyak siya, naiiyak ka din, napakaganda niya.

“I would be honored to work with someone like her caliber."

Posible rin kayang maging magkaibigan sila?
   
Tugon niya, “Friendship? Oo, in-invite pa niya ako nung birthday niya, e.”

Pero masaya man siya sa nababalitang espesyal na relasyon ngayon nina Angel at Neil, ayaw ni Bela na magkomento pa tungkol dito.
  
Saad niya, “That’s good for them.

"I have nothing to say na rin about that, kasi that’s their own life na.

“Hindi na ako dapat hingan ng reaksiyon dun.

"The last time I talked about that was the last time.

“Kasi mayroon silang usapan, mayroon silang relationship, and I’m not part of that.

“Ask about them, them na lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Bela sa grand launch ng Pista ng Pelikulang Pilipino, na ginanap sa Sequioa Hotel, noong Biyernes, July 1.

PROFESSIONAL, FRIENDLY. Sa kabila ng breakup nila, sinabi ni Bela na magkaibigan pa rin sila ni Neil, lalo’t magkasama pa rin sila sa ilang proyekto.

Isa na nga rito ang isang pelikula na ididirek ni Joyce Bernal.
  
Ayon kay Bela, “I wrote the script and Neil is producing it.

"We do have to constantly communicate, kasi magkatrabaho kami.
   
“Very okay yung relationship namin… mayroon kaming foundation of friendship ni Neil.

“Mabait kami sa isa’t isa, never kaming nagkaroon ng sigawan.

“Never kaming nagkaroon ng episode na masama ang loob namin sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maganda yung tinakbo namin, so wala kaming sama ng loob."

Dagdag niya, “Parang kaya naming harapin ang isa’t isa na, 'O, ano ang gagawin natin sa movie na ito?'

"Saka, yun nga, strictly professional yung relationship namin ngayon."

NEW RELATIONSHIP? Samantala, muling natanong si Bela tungkol sa nababalitang relasyon nila ng Kapamilya actor na si Zanjoe Marudo.

Naniligaw nga ba si Zanjoe sa kanya?

Sagot ng aktres, “Nagkaka-text-an naman kami.

"Labas? Wala pa, kababalik ko lang, so wala.

“I went back to work, interning under Direk Joyce and Direk Dan [Villegas], that’s what I’ve been doing lately.
   
“Hindi ko alam kung ligaw na ba yun, hindi ko kasi siya kilala that way.

“Paano ko ba siya made-describe? Hindi ko alam, tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari."
    
Patuloy ni Bela, “Kinakabahan ako, parang dapat sa kanya manggaling, hindi sa akin.

“Siya na lang ang tanungin ninyo.”
 
Ang masasabi lang daw talaga ni Bela ay maayos naman ang samahan nila ni Zanjoe. 

“Oo, okay naman, wala naman akong nakikitang problema.

“Nababaitan naman ako sa kanya, natuwa naman ako dahil nakatrabaho ko siya.”

Sa posibilidad ng panibagong relasyon, ayon kay Bela, "Hindi ko siya pinaplano.

“I am taking everything one day at a time.

"Six months of my year is so crazy, so hectic.

“Right now, I am trying to live talaga, like, every day I want to wake up late, I will wake up late.

“Parang, I’m just trying to enjoy… hindi dapat nagsunud-sunod din kasi masyado.

“Give chance to others naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN