Nora Aunor on MMFF 2017 controversy: 'dapat yung matinong pelikula, hindi yung palakasan'

IMAGE Courtesy of Ian Farinas

 

Nora Aunor on MMFF 2017: "Maging artista ka, direktor, o kung sinumang mga judges sa ganitong mga festivals, dapat nagkaka-isa at tingnan natin kung sino talaga yung matinong pelikula. Hindi yung palakasan."

 


Nahahati ang industriya ngayon sa mga pumapabor at umaangal sa proseso ng pagpili para sa unang apat na official entries ng 2017 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Base sa mga isinumiteng script, ang apat na pasok na sa Magic 8 ay ang mga sumusunod: Ang Panday (CCM Creative Productions, Inc.), Almost Is Not Enough (Quantum & MJM Productions), The Revengers (Star Cinema & Viva Films), at Love Traps #FamilyGoals (OctoArts Films).

Pagkatapos ianunsiyo ang mga pumasok na entries, apat sa mga miyembro ng MMFF Screening Committee ang nagbitiw: sina academe representative Roland Tolentino, renowned film writer Ricky Lee, broadcast journalist Kara Alikpala, at director-writer Ed Lejano.


Stories We Are Tracking

Resigned MMFF 2017 exec hints at protest vs. four entries
Resigned MMFF 2017 exec hints at protest vs. four entries
Erik Matti questions MMFF 2017 selection process
Erik Matti questions MMFF 2017 selection process
Resigned MMFF officials reveal reasons behind resignation
Resigned MMFF officials reveal reasons behind resignation
Liza Diño unfazed by Ed Lejano's resignation
Liza Diño unfazed by Ed Lejano's resignation

Sa gitna ng panibagong kontrobersiyang ito, sinabi ng Superstar na si Nora Aunor na dapat magkaisa at masolusyunan ang problema ngayon sa MMFF.
   
Pahayag niya, “Dapat lang, dapat lang. Sa industriya, dapat nagkakaisa lahat-lahat.

“Maging artista ka, direktor, o kung sinumang ating mga judges sa ganitong mga festivals, dapat nagkakaisa, at tingnan natin kung sino talaga yung matinong pelikula.

“Hindi yung palakasan, ‘Uy, dapat ganito.’

“May isang judge na pabor sa ganito, sana hindi titingnan sa ganung sitwasyon.

“Titingnan sa karapat-dapat na pelikula, dapat piliin para sa mga festivals.”

Ayon pa sa premyadong aktres, “Malaking tulong sa mga direktor na gumawa tayo ng mga pelikulang indie.

“Yung mga kabataan nating mga direktor, maraming magagaling.

“Pero siguro depende na rin yun sa kuwento, materyal na gagawin ng isang artista."

Sa 43 taon ng MMFF, mahigit 15 pelikula ng Superstar ang naging official entry. Walo rito ay nagpanalo sa kanya ng MMFF Best Actress.

Kung siya lang daw ang masusunod, gusto niyang ibalik ang katulad ng mga pelikula niya noon na nakasali sa Metro Manila Film Festival, tulad ng Tatlong Taong Walang Diyos, Bona, at Himala.

“Ayoko nang gumawa nung, halimbawa, ten shooting days.

“Kasi ‘di na-recognize ng ibang tao yung napapasama yung artista.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Nora Aunor sa katatapos na 1st Entertainment Editors' Awards, na ginanap sa Kia Theatre nitong Linggo ng gabi, July 9.

Nominado si Nora bilang Best Actress para sa pagganap niya sa Tuos, ngunit ang nanalo ay si Vilma Santos para sa pagganap nito sa Everything About Her.

LGBT MOVIE. Samantala, masayang nagkuwento si Nora na isang LGBT movie ang pinagkakaabalahan niya ngayon.

“Ang role ko dito is isang tomboy at may anak akong bading.

“Hanggang doon na lang muna, nag-shoot kami sa Marikina,” sabi niya.

E, di mas mapapamahal ang Superstar sa LGBT community?

Sagot ni Nora, “Siyempre, welcome. Ako yata ang nangunguna diyan... joke lang!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN