Marjorie Barretto answers accusation that she's a neglectful mother

IMAGE Instagram (@danibarretto)

Last week, Dani Barretto (right) defended her mother, Marjorie Barretto (left), who was accused by a netizen of being a neglectful mother. In a recent Instagram comment, Marjorie defended herself from the accusation. 


Sinagot ni Marjorie Barretto ang isang netizen na kumuwestiyon sa kanyang pagiging mabuting ina.

Nitong weekend, nag-post si Marjorie sa Instagram ng larawan ng dalawa sa tatlong anak niya sa dating asawang si Dennis Padilla—ang Kapamilya actress na si Julia Barretto at nakababatang kapatid nitong si Claudia Barretto.

Sa comments section, mababasa ang pagtatanggol ni Marjorie sa sarili mula sa “malicious comment” ng basher na may pangalang @shalil011.

Burado na ang komento ng basher, pero mahihinuha sa sagot ni Marjorie na kinuwestiyon ng netizen ang kanyang pagiging ina.

Iniintriga ng basher ang hindi pagsama ni Marjorie sa anak na si Dani Barretto nang magtungo ito sa emergency room ng isang ospital noong nakaraang linggo. 

Si Dani ang 23-anyos na anak ni Marjorie sa dating karelasyong si Kier Legaspi.

Nagpaliwanag si Marjorie kung bakit wala siya sa tabi ng anak nang pumunta ito sa ospital.

Saad niya, “@shalil011 Let me correct you there. Dani was not hospitalized. She was at the ER for a consultation on something minor.

"By the time I was informed, she was already ready to leave.

"They only prescribed antibiotics for her. I was in touch with her while she was there."

Buwelta pa ni Marjorie sa netizen, “I resent how malicious your comment is.” 

Mensahe pa niya sa basher: “Please question anything else about me, but not how I am as a Mom. You have no idea how much I love all of them. And I am there for ALL the children especially when they need me. And I will continue to be there even when they don't need me to be. I take my role very seriously.”


Sa sumunod pang komento ay tinanong ni Marjorie ang basher kung bakit nito binura ang kanyang komento.


Sunud-sunod naman ang comments ng mga tagasuporta ni Marjorie at pinayuhan siyang huwag na lamang pansinin ang basher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"NON-SENSE ASSUMPTIONS" Noong nakaraang linggo, nag-post si Dani ng isang mahabang mensahe sa Twitter dahil sa pamba-bash ng netizens sa kanyang ina.

Bunsod ito ng hindi raw pagsama ni Marjorie kay Dani nang magtungo ito sa emergency room ng St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City, Taguig.

Bukod sa pamba-bash kay Marjorie, may mga naghinala ring may hindi pagkakaunawaan ang mag-ina.

Ipinagtanggol naman agad ni Dani ang ina sa mga batikos at “non-sense assumptions.”


Stories We Are Tracking

Dani Barretto defends mom Marjorie against bashers
Dani Barretto defends mom Marjorie against bashers


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN