Jessy Mendiola denies 'two-timer' accusation of JM de Guzman's mom

by Melba R. Llanera
Jul 11, 2017
Jessy Mendiola on online bashing: "Kahit na sabihing kunwari ayaw mo sa akin, okay lang na may masabi ka, pero kasi what you say about other people, it shows who you are, it says a lot about you. Kumbaga, kahit may opinion ka, ang hindi ko maintindihan, kahit may opinyon ang isang basher o hater, wala nang limits, wala na yung thin line between respect and opinion, tapos hate and negativity."

Hindi pa rin tinatantanan ng bashers ang Kapamilya actress na si Jessy Mendiola kaugnay ng relasyon nila ng TV host-actor na si Luis Manzano.

Iginigiit kasi ng ilang netizens na nag-overlap ang relasyon ni Luis sa dati niyang girlfriend na si Angel Locsin at sa relasyon nito ngayon kay Jessy.

Nauna nang sinagot ni Luis ang mga akusasyon laban sa kanila ni Jessy sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kung saan nilinaw niya ang timeline ng relasyon nila ng aktres.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa eksklusibong panayam ng PEP at Cinema News kay Jessy, sa studio ng ASAP noong Linggo, July 9, siya naman ang nagsalita tungkol sa patuloy na pamba-bash sa kanya ng ilang netizens.

Iginiit ng 24-year-old actress na wala silang ibang karelasyon ni Luis nang maging sila noong June 26, 2016.

Pahayag ni Jessy, “Ako talaga, ewan ko lang sa mga tao kung maniniwala sila o hindi...

“For me kasi, bago ako pumasok sa isang relasyon at papayagan ko ang isang tao na i-pursue ako, sisiguraduhin ko na clear lahat. Clean slate lahat.

Continue reading below ↓

“Kumbaga, kung ano yung dati, iyon yun, di ka dapat pumasok sa bago kung may kalabuan pa. Dapat sarado lahat.”

ACCUSATION OF JM'S MOM. Sinagot din ni Jessy ang akusasyon ni Han Carteciano Gob, ina ng ex-boyfriend niyang si JM de Guzman, na “sinungaling” at “two-timer” siya.

Ayon sa ina ni JM, ang anak niya at si Jessy pa nang magsimulang lumabas ang aktres kasama si Luis noong September 2015.

Saad ni Jessy, “Hindi, friends kami ni Luis dati pa, pero hindi kami yung laging nagkikita.

“Nung time na yun, naging close lang kami because of that incident.

“Nag-thank you pa nga ako sa kanila, e. Kumbaga, nag-thank you ako sa pag-aalaga ni Luis sa akin.

“Tingin ko pa kay Luis nun, Kuyang Maniac, e. Alam mo yun, pag nakikita mo siya palagi, di ba?

“Wala, wala talaga. Ewan ko… saka kami pa nung isa.”

Ang “that incident” na tinutukoy ni Jessy ay ang airplane incident nila ni Enrique Gil noong September 2015, kung saan sumaklolo sa kanya si Luis.

Continue reading below ↓

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Ayon kay Jessy, naiintindihan niya ang pinanggagalingan ng ina ni JM, pero alam daw niyang ang totoo.

“Well, may mga bagay talaga na hindi mo maku-control.

“Siguro caught up pa siya sa past, sa mga nangyari dati.

“Ako, alam ko ang totoo, e… siguro yun ang opinyon niya or whatever.

"Wala, hindi naman siya kasali sa relasyon namin, so hindi niya alam talaga ang nangyari.

"Naiintindihan ko naman siya.

“May sarili din akong nanay. Palaban din yun, minsan nga pinipigilan ko na.”

HANDLING BASHERS. Aminado si Jessy na hanggang ngayon ay naaapektuhan pa rin siya ng bashers, pero natuto na rin daw siyang huwag patulan ang karamihan sa mga ito.

Saad niya, “Sanay na ako, kumbaga, ang dami nang nasabi sa akin, ang dami nang panghuhusga.

“It makes me think, ‘Nasaan na kaya ang humanity?’

Continue reading below ↓

“Kahit na sabihing kunwari ayaw mo sa akin, okay lang na may masabi ka, pero kasi what you say about other people, it shows who you are, it says a lot about you.

“Kumbaga, kahit may opinion ka, ang hindi ko maintindihan, kahit may opinyon ang isang basher o hater, wala nang limits, wala na yung thin line between respect and opinion, tapos hate and negativity.

“May maliit na linya yun, e.”

Patuloy niya, “Ako, naiintindihan ko na may ibang tao na ayaw sa akin, mayroon namang may gusto.

“Pero sana balikan natin ang mga sarili natin.

“Sana yung mga sinasabi natin tungkol sa ibang tao, makakatulong ba yun?

“Or kung may idol ka man, tapos inaaway mo yung ibang artista dahil sa idol mo, sana isipin mo rin na magre-reflect yun sa idol mo.

“Ako naman, pagdating sa fans, sana maging responsible fans sila o responsible I don’t know haters.

Continue reading below ↓

“I think with all that’s happening in our world, parang sobrang nakakalungkot na pati online, sobrang laganap na yung haters.

“Na sana yung humanity na lang, magkaayos tayong lahat, magmahalan.

“Kung di mo man gusto yung isa, manahimik na lang or state their opinion properly, and then respect.

“And then, that’s it. Nasabi mo na yung gusto mo.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola on online bashing: "Kahit na sabihing kunwari ayaw mo sa akin, okay lang na may masabi ka, pero kasi what you say about other people, it shows who you are, it says a lot about you. Kumbaga, kahit may opinion ka, ang hindi ko maintindihan, kahit may opinyon ang isang basher o hater, wala nang limits, wala na yung thin line between respect and opinion, tapos hate and negativity."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results