Andrea Torres denies spreading Maine Mendoza-Sef Cadayona rumored romance

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres on bashers: "Pray na lang saka trying to count my blessings. Yun naman ang sabi nila, e. Doon ka na lang sa positive para ma-enjoy mo yung mga dumarating. Yun na lang ang iniisip ko, yung good side na lang."


Itinanggi ni Andrea Torres ang bintang na siya raw ang nagsasabing sina Sef Cadayona at Maine Mendoza.

Saad ng Kapuso sexy actress, “Ako kasi, wala na akong role sa kung ano man yung naiisyu sa kanila or ano… kasi hindi naman ako kasama sa story na yun.

“Kumbaga, parang… yun lang, ayoko nang ma-associate pa.

“Wala naman po akong alam, wala rin naman akong maku-contribute sa isyu nila.

“Out na ako dun.”

Hindi rin siya nakaligtas sa pamba-bash ng fans ni Maine, pero hindi na lang daw niya ito pinapansin.

Sabi ni Andrea, “Pray na lang saka trying to count my blessings.

“Yun naman ang sabi nila, e. Doon ka na lang sa positive para ma-enjoy mo yung mga dumarating.

“Yun na lang ang iniisip ko, yung good side na lang.

“Iniisip ko na lang, baka sabihin ni Lord, ‘Masyado kang naka-focus sa mali, e, lagi naman may bright side, e.’”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa YES! 100 Most Beautiful Stars grand reveal nitong Lunes ng gabi, July 11, sa Luxent Hotel.

Naninindigan din si Andrea na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Sef.

Ito ay sa kabila ng pag-amin ni Sef, sa naunang panayam ng PEP, na nagkaroon sila ng relasyon at break na sila.

Giit ni Andrea, “Ako naman kasi, sa mga previous interviews, never ko naman na-claim na meron akong boyfriend.

“So ako, kahit ano naman yung lumalabas na isyu, mag-stick ako sa sinabi ko na never ako nagkaroon ng boyfriend.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN