Andrea Torres laughs off viral jump rope video

IMAGE Noel Orsal

Umaasa si Andrea Torres na hindi na muling mabahiran ng kontrobersiya ang pagsisimula ng pangalawang yugto ng Alyas Robin Hood. Nagkaroon kasi ng intriga noon na sinugod daw siya ni Marian Rivera sa set ng serye, kung saan leading man niya ang asawa nitong si Dingdong Dantes.


Ikinagulat ni Andrea Torres na nag-trending siya sa Twitter nitong mga nakaraang linggo, kasabay ng mga naranasang lindol sa ilang lalawigan sa Visayas.

Tila siya ang sinisisi sa naganap na lindol dahil umano sa viral jump rope video ng sexy Kapuso actress.

Nakangiting sabi ni Andrea, “Oo, nagulat nga ako.

"Natawa pa ako kasi nag-tweet pa ako, sabi ko, ‘Ay, lumilindol.’

“Maya-maya, nakikita ko, nagti-trend. Sabi ko, ‘Hala, bakit ako nagti trend, anong ginawa ko?’

“Pagkita ko, ‘Ano ba ito. Ako ang sinisi nila sa lindol.’

“Natawa na lang ako kasi iba talaga ang humor ng Pinoy, naisip nila yun, ang bilis.”

Noong Mayo ay nag-viral ang jump rope video ni Andrea, kung saan pinabilang sa mga nakapanood nito kung ilang beses siyang tumalon.

Pero dahil sa malikot na pag-iisip ng ilang netizens, iba ang kanilang binilang—ang aalog-alog na dibdib ng Kapuso actress.

WATCH: Can you count how many times Andrea Torres jumped

Paglilinaw naman ni Andrea, katuwaan lamang ang jumping rope exercise niya.

Sabi pa niya, “More on ano lang, katuwaan lang.

"And ano naman, e, alaga naman ako ng GMA.

"Kung ano naman ang ipagawa nila sa akin, go lang ako."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa grand reveal ng YES! 100 Most Beautiful Stars, nitong Martes, July 11, sa Luxent Hotel, Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN