Is Barbie Forteza being courted by Jak Roberto?

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza on relationship status with Jak Roberto: "Ayoko munang magsalita, kasi parang kapag mas maraming nakikialam, gumugulo at mas kumplikado."


Sa grand launch YES! 100 Most Beautiful Stars of 2017 noong Martes, July 11, kapansin-pansin ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Barbie Forteza at Jak Roberto.

Sabay rin silang umalis ng Luxent Hotel, kung saan ginanap ang event.

On and off-cam na ba ang namamagitan sa kanilang dalawa?

“Hindi naman kami nakikitang on-cam!” natawang biro ni Barbie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Naging magkapareha sina Barbie at Jak sa Kapuso primetime series na Meant To Be.

Off-cam, sila na ba?

“Hindi,” tanggi ng 19-year-old actress.

Pero nanliligaw sa kanya si Jak?

“Siya na lang ang tanungin niyo, ayan siya,” sabay turo kay Jak, na kalapit lang niya.

Posible bang mauwi sa mas malalim at higit sa pagiging magkaibigan ang relasyon nila?

Tugon ni Barbie, “Ayoko munang magsalita, kasi parang kapag mas maraming nakikialam, gumugulo at mas kumplikado.”

Ayon pa sa aktres, kahit natapos na ang teleserye nilang Meant To Be, nagkikita pa rin naman sila ng apat niyang leading men—sina Jak, Ken Chan, Ivan Dorschner, at Addy Raj.

“Halos lahat sila... si Ivan, nakita ko kasi.

“After ng first episode ng Celebrity Bluff, si Ivan naman ang susunod. 

“Si Addy, umuwi muna sa India.”

Sila ni Jak, kahit walang trabaho ay nagkakasama?

“Secret,” nakangiting sagot ni Barbie.

Nakangiti ring tumango ang dalaga nang tanungin ng PEP kung masaya ang puso niya ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN