Alden Richards remains unfazed amid AlDub intrigues: "Faithful po ako kay Maine."

IMAGE Kyla Nicole Paler (GMA Corp Comm)

On the occasion of AlDub's 2nd anniversary, Pambansang Bae Alden Richards affirms that their love team will remain strong despite the intrigues hurled against them: "Sa tagal, sa dami at sa lalim ng pinagsamahan at pinagdaanan namin ni Maine ay hindi ko na pinapansin ang mga ganitong bagay. At saka, malaki ang tiwala ko kay Maine."


Dalawang taon na ang nakalipas mula noong aksidenteng mabuo ang phenomenal loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Bukas, July 16, ang aktuwal na anibersaryo ng AlDub, pero kanina ipinagdiwang sa Saturday edition ng Eat Bulaga ang espesyal na pagdiriwangng ikalawang anibersaryo nila.

Nagkataon naman, noong Huwebes ng gabi, July 13, hindi inaasahang makita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Pambansang Bae nang mapadaan ito sa pag-aaring restaurant na Concha’s Restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Nagkaroon kami ng maikling pagkakataon na makausap si Alden dahil meron pa rin siyang ibang lakad nung gabing yun.

GRATEFUL. Tinanong namin siya kung ano ang mga bagay na pumapasok sa isipan niya ngayong ika-dalawang taong anibersaryo na ng Aldub.

Ayon kay Alden, “Unang-una po, nagpapasalamat ako sa Eat Bulaga at sa GMA para sa opportunity of a lifetime.

“Kasi po hindi naman lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

“Pangalawa, kay Maine na naging napaka-importanteng part ng buhay ko simula nung July 16, 2015.

“Pangatlo, sa mga fans, supporters at lahat ng kasama namin sa journey na walang sawang tumatangkilik sa amin.

“And last but not the least, sa Panginoon na nagbigay ng ganito kalaking blessing sa amin ni Maine.”

ALDUB REMAINS STRONG DESPITE INTRIGUES. Sa loob ng dalawang taon, puwedeng sabihin na may mga ups and downs din—may masaya, may malungkot.

Ngayon nga, parang sinusubukan ang tatag nilang dalawa ni Maine lalo na’t may nali-link din ditong ibang aktor.

Anong masasabi niya sa isyung yun?

“Sa tagal, sa dami at sa lalim ng pinagsamahan at pinagdaanan namin ni Maine ay hindi ko na pinapansin ang mga ganitong bagay.

“At saka, malaki ang tiwala ko kay Maine,” lahad ni Alden

Kung nali-link si Maine sa iba, may mga nali-link din sa kanyang ibang babae.

Patuloy pa rin siyang nauugnay sa ilang babaeng nali-link sa kanya maging sa loob o sa labas man ng showbiz, kahit ilang beses na niya itong itinanggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Faithful po ako kay Maine,” ang maikli pero may diin namang sagot ni Alden.

SURPRISE FOR 2018. Bukod sa matagal ng balitang pelikulang gagawin nila ni Maine ngayong taong ito, ano pa nga ba ang mga proyektong puwedeng abangan sa kanya?

“Basta po,” ang parang bitin pa niyang sagot.

Agag naman niya itong sundan ng, “Ganito na lang.

“May something special and meaningful na magaganap, mga first quarter ng 2018.

“Yun na lang po muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN