Yul Servo grateful for enduring friendship with Piolo Pascual

IMAGE Instagram (@c9.chancellor9000) / Piolo Pascual Instagram

Manila 3rd district Rep. Yul Servo on good friend Piolo Pascual: "Kami naman pure naman kaming magkaibigan. Wala akong tinatago sa pagkakaibigan namin. Nakita ko yung sincere niyang pakikipagkaibigan at suwerte nga naming mga kaibigan niya."


Ang pagkakaibigan nina Piolo Pascual at Cong. Yul Servo ay masasabing isa sa mga pinakamatatag sa larangan ng showbiz.

Dumaan ito sa katakut-takot na pang-iintriga at kontrobersya sa pagdaan ng mga taon.

Nilagyan ng kulay at malisya ang pagkakaibigan nila kunsaan kung anu-anong kuwento ang lumabas na karamihan namang katotohanan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cong. Yul sa nakaraang Cignal Entertainment Channel media launch na ginanap sa EDSA Shang-rila noong nakaraang Miyerkules, kinumusta namin sa actor/poltician ang pagkakaibigan nila ni Piolo, at kung hanggang sa ngayon ba ay may komunikasyon pa silang dalawa.

Kuwento niya, “Minsan-minsan nagte-text kami.

“Nung nakaraang January, birthday niya, nakakatuwa naman na sa distrito ko ginawa ang birthday niya.

“Parang binaba niya yung ASAP tapos namigay siya ng Dunkin Donuts, Mega sardines, tapos groceries 5,000 na tao ang pinasaya namin nun, nakakatuwa.

“Di kami madalas magkausap, pero yung pagkakaibigan nandiyan na.

“Nakakatuwa siya, di lang pag-aartista ang ginagawa niya, nagnenegosyo siya at the same time mayroon siyang foundation na tumutulong sa mga estudyante.

“Ngayon nga, sabi ko, 'Brother, baka puwede na humingi ako ng tulong sa mga bata na scholar?'

“Mayroon kasi akong scholarship na pangsarili ng opisina namin, hihingi ako sa kanya.

“Para yun sa mga estudyante na sira ang sapatos, kasi medyo mahal ang mga sapatos, di ba?

“Tina-target namin, 200, kung puwede hanggang 1,000.

“Bibili lang kami ng sapatos, tapos hati kami or baka yung mabibilhan namin ng sapatos bigyan pa kami ng diskuwento.

“Sabi ko naman sa kanya hindi ngayon, baka sa kalagitnaan ng pasukan.

“Yung mga sapatos na gagamitin sa susunod na taon, ta-timingan ko.”

NO MORE INTRIGUES? Kampante naman si Cong. Yul na sa kabila ng pag-amin na patuloy pa rin ang komunikasyon at pagkakaibigan nila ni Piolo ay hindi na ito iintrigahin pa ng ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Ay, hindi naman siguro.

“Yung issue na yun tapos na, pinagdaanan na namin yung issue na yun, patay na yun.

“Mas matured na kami ngayon, dati naman nalagpasan naman namin.

“Kami naman pure naman kaming magkaibigan.

“Wala akong tinatago sa pagkakaibigan namin.

“Nakita ko yung sincere niyang pakikipagkaibigan at suwerte nga naming mga kaibigan niya, kahit ganun siya kasikat e para maging kaibigan ka niya.

“Di naman ako nalungkot kasi natural lang yun sa showbiz, negative man o positive.

“Kumporme lang sa sarili mo kung paano mo tatanggapin ang issue.

“Sa amin naman wala namang problema, kaibigan lang.

“Di naman deadma, siyempre papadaanin mo lang sa buhay artista.

“Natural na sa artista yung nai-issue ka, mahirap na kundi ka napag-uusapan, mas maganda na rin na napag-uusapan ka.

“Dito kasi sa showbiz pag di ka napag-uusapan negative o positive, wala ka.”

PIOLO NOT AFFECTED BY ISSUES. Tinanong din namin si Cong. Yul kung hindi ba nag-open sa kanya dati si Piolo na nasasaktan at napipikon na rin ito sa mga taong nang-iintriga sa kanila.

Saad niya, “Ah wala, di siya nahe-hurt.

“Siyempre curious din ako bilang kaibigan niya.

“Actually, ako dito lang ako.

“Siya dito, nung nagsisimula din siya, nauna siya sa akin.

“Curios din ako kasi lagi siyang tinitira, e ako naman ginawa lang akong pangbasag sa kanya, di ba?

“Di siya apektado.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN