Does Jessy Mendiola's dad approve of Luis Manzano?

IMAGE Instagram (@senorita_jessy)

Jessy Mendiola is happy with the good rapport between her BF Luis Manzano and her British-Lebanese dad, who recently visited Manila and met Luis for the first time: "Okay naman kasi same ang humor nila, pag nagdyu-joke ang dad ko, siya din natatawa. Vice-versa, pag si Luis naman ang nagdyu-joke, yung daddy ko naman natatawa. Masaya siya kasi yung Papa ko naman, pag nakikita niya na masaya ako, masaya na rin siya."


Kamakailan lang ay na-meet na nang personal at pormal nang nakilala ni Luis Manzano ang British-Lebanese dad ni Jessy Mendiola nang dumalaw ito sa bansa.

Aminado ang aktres na dito ay nabanggit na niya sa ama na si Luis na ang lalaking gusto niyang pakasalan at makasama habang-buhay.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Oo, siya yung first na lalake na na-meet ng daddy ko, yun agad.

“Okay naman kasi same ang humor nila, pag nagdyu-joke ang dad ko, siya din natatawa.

“Vice-versa, pag si Luis naman ang nagdyu-joke, yung daddy ko naman natatawa.

“Masaya siya kasi yung Papa ko naman, pag nakikita niya na masaya ako, masaya na rin siya.

“Sabi ko sa kanya, 'I’m happy right now, he’s the first guy I introduced to you and I just want you to know that I’m very happy.'

“Sabi niya sa akin, 'I can see it naman and when you’re happy, I’m happy.'

“Yung Papa ko nagtanong na siya, tanong niya sa akin, 'Is he the one?'

“Sabi ko, 'Yeah.'

“Kasi di ba, ganun naman tayong lahat—pag papasok ka sa isang relasyon, pag nakikita mo na yung tao na siya na.

“Ako talaga, sa ngayon, feeling ko siya na ang gusto ko.”

“Basta masaya ako, I’m very inspired, I’m free.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN