Mikee Quintos admits breakup with T.O.P. member Louie Pedroso

IMAGE Noel Orsal

GMA-7actress Mikee Quintos on breakup with T.O.P. boyband member Louie Pedroso: "We had something before and, unfortunately, it didn't work out. Almost three years din kami."


Hindi itinanggi ng Kapuso young actress na si Mikee Quintos na break na sila ng kanyang boyfriend na si Louie Pedroso, member ng boyband na T.O.P.

Tatlong taon daw nagtagal ang relasyon nila na nagsimula noong pareho pa silang wala sa showbiz.

Ayon kay Mikee, “We had something before and, unfortunately, it didn’t work out.

“Almost three years din kami.

“We started as friends sa school. We’re both from UST and we have the same group of friends.

“'Tapos, classmate ko pa yung sister niya.

“So, doon na nagsimula iyon hanggang sa pareho na kaming naging talents ng GMA-7.

“Kahit wala na kami, we’re still the best of friends.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikee sa unveiling ng YES! 100 Most Beautiful Stars, na ginanap sa Luxent Hotel, Quezon City, last week.

FOCUS ON STUDIES AND SHOWBIZ CAREER. Sinabi rin ni Mikee na hindi muna niya priority ang love life dahil gusto nitong mag-concentrate sa kanyang career at pag-aaral.

Kasalukuyang na siyang nasa third year sa kursong architecture sa UST.

Saad niya, “Pinagsasabay ko po ang school at showbiz.

“Medyo mahirap po, pero I really try my best na magawa ko pareho.

“Especially noong time ng sobrang busy kami sa Encantadia, I was juggling between tapings and school work.

“Ayoko naman pong mag-stop kasi mawawala po yung momentum ko sa pag-aaral.

“Kaya tiyaga lang po at nagagawa ko naman po.

“Sa awa ng Diyos ay pumapasa po tayo parati.” 

SHOWBIZ BREAK. Five years ang kursong architecture at plano ni Mikee na mag-leave muna sa showbiz ng one year kapag nagsimula na siya ng kanyang thesis.

“When my thesis starts, I want to focus lang sa pag-aaral ko.

“Nagsabi na ako sa GMA Artist Center that I will take a break for one year para mag-concentrate ako sa course ko para maka-graduate agad ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Willing po akong i-sacrifice ang career in showbiz in exchange for a college diploma,” sabi ng 19-year-old actress-singer.

Dream talaga ni Mikee na maging isang magaling na architect at secondary lang daw ang showbiz.

“Hopefully, I can be best at both. Yung matawag akong architect and an actress.

“As an architect, I want to see my ideas come to life.

“Yung makita mo na yung building na ‘yon or yung bahay na ‘yon, vision mo iyon na nagkatotoo.

“As an actress naman po, I want to see myself on the big screen naman, acting with the best actors ng industry natin.” 

THANKFUL. Kaya naman sobra ang pasasalamat ni Mikee na naging bahagi siya ng 100 Most Beautiful Stars ng YES!

“Hindi pa nagsi-sink in sa akin itong pagkakasali ko sa 100 Beautiful Stars.

“First time kasi ito for me kaya parang hindi ako naniniwala.

“Thankful ako for this kasi lalo akong napu-push to be a better performer in future projects,” nakangiting sabi niya.

Bilang regalo para sa sarili, nakabili ng bagong sasakyan si Mikee.

Lahad niya, “I bought a new van para magamit ko sa trabaho.

“Sabi nila na suwerte raw kapag sasakyan ang una mong binili, kasi darating daw ang maraming trabaho.

“Lahat naman po ng kinita ko from Encantadia, nakatago.

“And may deal kami ng parents ko. Yung money na mase-save ko from showbiz, pang-investment lang.

“Like, may gusto akong bilhin na property sa Tagaytay. Pag-iipunan ko po ‘yan para mabili ko.

“I believe po na if it’s in God’s plan, it will happen.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN