Xian Gaza invites Daniel Matsunaga for tea after being rejected by Erich Gonzales

IMAGE Facebook / Instagram

Businessman Xian Gaza invites Erich Gonzales's ex-boyfriend Daniel Matsunaga for tea, after the Kapamilya actress turned down his invitation to have coffee. 


Matapos tanggihan ni Erich Gonzales ang kanyang coffee-date invitation, ang ex-boyfriend naman ng aktres na si Daniel Matsunaga ang inimbitahan ng businessman na si Xian Gaza para mag-tsaa.

Noong Lunes, July 17, nag-post si Xian sa kanyang Facebook account ng larawan nila ng Brazilian-Japanese model-actor.

Caption ng negosyante sa post: “Daniel Matsunaga bro will you drink TEA with me? Sobrang TSAAkit ehh nyeam.”

Naka-tag sa post na ito si Daniel.

Wala pang sagot si Daniel sa imbitasyon ni Xian.

Makikita naman sa recent posts ni Daniel na umuwi ito sa Brazil upang magbakasyon.

Hindi sinabi ni Xian kung ano ang intensiyon niya sa kanyang imbitasyon kay Daniel, o kung biro lamang ito dahil dating boyfriend ni Erich ang Brapanese model-actor.

Noong Linggo, July 16, sinabi ni Erich sa isang interview na hindi niya pauunlakan ang imbitasyon sa kanya ni Xian.

Naging matunog ang pangalan ng negosyante pagkatapos maging viral ang billboard niya sa Morayta, Manila, kung saan iniimbitahan niya si Erich na mag-kape.


Stories We Are Tracking

Erich Gonzales turns down Xian Gaza's coffee-date invitation
Erich Gonzales turns down Xian Gaza's coffee-date invitation
Xian Gaza grieves over Erich Gonzales's rejection
Xian Gaza grieves over Erich Gonzales's rejection

Pinagdudahan naman ng maraming netizens ang intensiyon ng negosyante nang lumantad ang dalawang babae—ang ina ng aktres na si Ella Cruz na si Jesica at isang nagngangalang Dewanie Catapang—at ibinunyag na isang scammer si Xian. 


Stories We Are Tracking

Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Netizen claims Erich Gonzales's admirer is a scammer
Netizen claims Erich Gonzales's admirer is a scammer


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN