Derrick Monasterio denies being friend-zoned by Bea Binene; admits courting Barbie Forteza

IMAGE Noel Orsal

Derrick Monasterio on loveteam partner Bea Binene: "Hindi naman kailangang mag-dyowa para mag-work ang love team. Pero hindi ko naman po mapi-predict pa ang future."


Matagal nang magka-love team sina Derrick Monasterio at Bea Binene, pero hindi pa rin nade-develop sa romantic relationship ang kanilang samahan.

Duda ng ilan, tila na-friend zone ni Bea si Derrick.

“A, hindi naman, hindi naman po!” natawang reaksiyon ni Derrick.

Dagdag niya, “Hindi naman kailangang mag-dyowa para mag-work ang love team.

“Pero hindi ko naman po mapi-predict pa ang future.”

Girlfriend-material ba si Bea?

Tugon ni Derrick, “Girlfriend-material naman po si Bea.

“Pero hindi ko pa lang po nakikita yun ngayon.

“Work po, e. Busy sa trabaho.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa taping ng Mulawin vs. Ravena, sa Makati City, noong July 14.

BARBIE FORTEZA. Bago si Bea, ang naging ka-love team ni Derrick ay si Barbie Forteza. 

Naging sila ba nang magka-love team pa sila?

“Hindi po,” sagot ni Derrick.

Niligawan ba niya si Barbie?

“Niligawan ko rin!” natawang pag-amin niya.

Hindi siya sinagot ni Barbie?

“Hindi rin po. Bata kasi akong manligaw noon.”

Kumusta sila ng mommy ni Barbie?

“Okey naman po,” nakangiting sagot ng binata.

“Kapag nakikita ko siya ngayon, sweet kami ni Mommy.”

Vocal talaga ito kapag may gusto o ayaw?

“Ay, opo, ganun talaga ang ugali ni Tita.

“Kapag may ayaw, ayaw. Kapag may gusto, gusto.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN