Maine Mendoza speaks up about rumored relationship with Sef Cadayona

IMAGE Noel Orsal

"Oo nga, masyado niyo kaming minamalisyahan ni Sef. Ano bang problema niyo?" says Maine Mendoza answering fans' question about her and Sef Cadayona.


Magkaibigan lang sina Maine Mendoza at Sef Cadayona.

Ito ang paglilinaw ng assistant director ng Eat Bulaga! na si Pat Plaza sa ginawa niyang Twitter session, kasama si Maine at ang fashion designer ng programa na si Barbara Sastre, kahapon, July 17.

Sa pamamagitan ng live streaming sa Periscope, sinagot ng tatlo—na kilala sa AlDub Nation bilang Team Banana—ang mga tanong ng fans.

Ilang fans ang nagtanong kay Maine tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Sef.

Agad namang nagkomento si Pat nang mabasa ang tanong.

Aniya, “Alam niyo, kayo kung anu-ano ang tinatanong niyo. Friends lang sila, para kayong mga ano...”

Sinang-ayunan naman ito agad ni Maine, na nakaupo sa tabi ni Pat.

Sabi ng Eat Bulaga! host, “Oo nga, masyado niyo kaming minamalisyahan ni Sef. Ano bang problema niyo?”

Nauna nang nilinaw ni Sef na wala silang anumang espesyal na relasyon ni Maine.

Sabi ng Kapuso comedian sa nakaraang panayam sa kanya, “Friends po talaga kami, as in.”


Stories We Are Tracking

Sef Cadayona denies romantic relationship with Maine Mendoza
Sef Cadayona denies romantic relationship with Maine Mendoza

Samantala, sa parehong Twitter session, isang fan ang nagtanong kay Maine ng: “Kailan ako magkaka-dyowa?”

Sagot naman ni Maine, “Hay naku, sa tamang panahon, darating din 'yang dyowa mo.”

Isang fan din ang nagtanong: "Sino ang single sa Team Banana."

Ang sagot ni Maine: "Sino ba pa, e, di si Banana... si Baby Banana."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN