Arci Muñoz admits to dating Erich Gonzales's ex-boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Arci Muñoz on why she doesn't want boyfriend from showbiz: "Kasi ayoko ng ganitong klase ng issue na, 'Ay, naging girlfriend ni ganito…' Well, I have nothing against that, pero ako lang naman sa sarili ko, yun ang medyo iniiwasan ko."


Kinumpirma ni Arci Muñoz na nanliligaw sa kanya ang Chinese businessman na si Anthony Ng, ex-boyfriend ni Erich Gonzales.

Ilang beses nang nakita sina Arci at si Anthony na nagde-date, at kung pagbabasehan daw ang kilos ng dalawa ay halatang may espesyal na relasyong namamagitan sa kanila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Arci sa studio ng ASAP noong Linggo, July 16, inamin ng Kapamilya actress na nagugustuhan niya si Anthony.

“Exemption siya, e. Ayoko na nga munang magpaligaw, kaya lang, exempted siya.

“Sobrang okay na tao, okay yung family… grabe, parang di na ako makakahanap ng ganun.

“Ewan ko, ha, pero parang sa pananaw ng isang babae, iba, e…

“Wala akong nakikitang guy na ganung klase, sobrang bait talaga.”

Sinabi rin ni Arci na handa na siyang pumasok sa panibagong relasyon.

Saad niya, “Bakit hindi? Matagal na naman akong single, e.

“Almost a year na naman akong single, almost one year, kailangan ko ring mag-move on.”

Ang huling naging boyfriend ni Arci ay ang rock artist na si Badi del Rosario.

ANOTHER EX. Na-link din si Arci sa isa pang ex-boyfriend ni Erich na si Daniel Matsunaga, na sinasabing naging dahilan daw kung bakit hiniwalayan ni Erich si Anthony.

Ano ang reaksiyon ni Arci sa komento ng iba na tila sa kanya napupunta ang mga ex-boyfriend ni Erich?

Sabi ng aktres, “Grabe naman, tropa ko naman talaga si Dandan [Daniel]!

“‘Yan na nga ba ang sinasabi ko, hindi naman ako mahilig mag-social media, pero naisip ko ‘yan bago pa man manligaw, ‘Ano ba naman ito?’

“Siyempre, nauna yung kay Dandan, nag-aasar-asaran kami sa I Can Do That, pero joke-joke lang talaga yun.

“One of the boys ako dun, kumportable talaga ako sa friends.

“Iba rin naman ang level ng pagiging kumportable ko kay Dandan. Sobrang bait din naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero never kaming nagkaroon ng parang romantic anything, kahit na magkakasama kaming lumalabas.”

Ang mga ganitong klaseng usapan daw ang dahilan kung bakit, hangga’t maaari, ayaw niyang maugnay sa kapwa-artista.

Pahayag ni Arci, “Sabi ko nga sa sarili ko, ang reason kung bakit ayoko ng boyfriend na taga-showbiz, kasi ayoko ng ganitong klase ng issue na, ‘Ay, naging girlfriend ni ganito…’

“Well, I have nothing against that, pero ako lang naman sa sarili ko, yun ang medyo iniiwasan ko.

“Kaya nga lang, ito, nagkataon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN