Winwyn Marquez clarifies "married" status of Mark Herras on Instagram

IMAGE Winwyn Marquez Instagram

Isang taon at pitong buwan na ang relasyon nina Mark at Winwyn, pero wala pa raw sa plano nila ang magpakasal dahil marami pa silang gustong gawin sa kanilang mga career.


Pinabulaanan ni Winwyn Marquez ang mga haka-haka tungkol sa diumano’y lihim na pagpapakasal nila ni si Mark Herras, na nag-ugat sa “married” status sa Instagram account profile ng boyfriend niya.

“People assumed that we’re married na.

“Nakalagay lang sa kanya na married, yun lang.

“He just wants to say we’re married, but we’re not really married.

“Married to each other without papers,” paliwanag ni Winwyn tungkol sa ginawa ni Mark.

Hindi naman naiwasang mabahala ang mga magulang ni Winwyn na sina Alma Moreno at Joey Marquez nang makarating sa kanila ang balitang walang katotohanan.

Kuwento ng Mulawin vs Ravena actress, “My mom called me.

“Tumawag talaga siya kasi tinanong yata siya tungkol sa akin… nasa Japan kami.

“Sabi niya, ‘Bakit hindi niyo ako sinasabihan?’"

Patuloy ni Winwyn, “My dad just knew about it nung nilapitan din siya ng press.

“Tinawagan ako, parang nagagalit.

“Ba’t hindi ko raw sinasabi? Ba’t ko raw itinatago?

“Sabi ko, hindi totoo.

“Sabi ko naman sa kanila, if anyone should know, sila talaga ang mauuna.”

Isang taon at pitong buwan na ang relasyon nina Mark at Winwyn, pero wala pa raw sa plano nila ang magpakasal dahil marami pa silang gustong gawin sa kanilang mga career.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa wine-tasting dinner sa Sofitel ng mag-asawang Antoinette Nisce-Ngo at Rudy Ngo ng Liquor Kingdom, noong Sabado, July 15.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN