Prosecutor downgrades case vs Noven Belleza to sexual assault

by Arniel C. Serato
Jul 19, 2017
Nakalabas na ng ospital ang singer na si Noven Belleza matapos ibaba sa sexual assault ang kaso laban sa kanya. 

Mula sa rape ay ibinaba na sa sexual assault ang kaso laban sa singer na si Noven Belleza.

Ito ay matapos suriin ni Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño ang mga ebidensiyang inihain ng biktima.

Bailable ang sexual assault; hindi katulad ng rape na walang piyansang pinahihintulutan ang batas.

Ayon sa ulat ng inquirer.net, pinatawan ng P120,000 na piyansa ang suspek na si Noven.

Nakalabas na rin ang "Tawag ng Tanghalan" grand champion mula sa kanyang hospital arrest ngayong Miyerkules, July 19.

Ayon naman sa abugado ni Noven, maglalahad sila ng kanilang panig kapag umuusad na ang kaso sa korte.

Pahayag ni Atty. Leilani Villarino, “We will answer everything during court trial.

"What is important now is he will be able to post bail.

"For now, he enjoys the presumption of innocence."

Inaresto ng Mabolo police officers si Noven pagkatapos ng concert ni Vice Ganda na Pusuan Mo Si Vice Ganda sa Cebu, noong madaling-araw ng Linggo, July 16.

Continue reading below ↓

Ito ay dahil sa bintang na panggagahasa diumano ni Noven sa isang 19-year-old local performer.

Kahapon, July 18, nagpaunlak ng eksklusibong panayam sa PEP ang isang malapit na kaibigan ng biktima, kung saan idinetalye nito ang pangyayari, base sa kuwento ng boyfriend ng biktima.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Noven Belleza
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalabas na ng ospital ang singer na si Noven Belleza matapos ibaba sa sexual assault ang kaso laban sa kanya. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results