"Tawag ng Tanghalan" judge Ogie Alcasid reacts to Noven Belleza's sexual assault case

by Arniel C. Serato
Jul 19, 2017
Umaasa si Ogie Alcasid na malalampasan ng "Tawag ng Tanghalan" grand champion na si Noven Belleza ang kinakaharap nitong sexual assault case sa Cebu City. 

Umaasa si Ogie Alcasid na malalampasan ni Noven Belleza ang kinahaharap nitong sexual assault case.

Nasubaybayan ng singer-songwriter ang karera ni Noven sa pagkanta dahil isa siya sa mga hurado ng "Tawag ng Tanghalan" sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, kung saan itinanghal si Noven bilang kauna-unahang grand champion.

Sabi ni Ogie, “Well, full support kami kay Noven... well, I can speak for myself.

"I will pray for him na, you know, maayos niya 'to at hindi siya…

"Hindi ko alam ang buong istorya nito, and siyempre kailangan nating malaman yung buong istorya.”

Sa launching ng kanyang bagong album na Nakakalokal sa Dolphy Theater ngayong Miyerkules, July 19, nanawagan ng dasal si Ogie para sa tinagurian niyang “our champion.”

“But at the same time, Noven is kasama natin, he is our champion, so we need to pray for him,” sabi ni Ogie.

Nahaharap si Noven sa kasong sexual assault sa Cebu City Regional Trial Court matapos diumano nitong molestiyahin ang isang 19-anyos na babae, na naging contestant din sa "Tawag ng Tanghalan."

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Ogie Alcasid
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umaasa si Ogie Alcasid na malalampasan ng "Tawag ng Tanghalan" grand champion na si Noven Belleza ang kinakaharap nitong sexual assault case sa Cebu City. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results