Bela Padilla on why she's not yet in a relationship: "I need to learn how to love myself, really."

IMAGE Noel Orsal / Instagram (@belapadilla)

Actress Bela Padilla chronicled the first part of her 2017 via a long article she posted on Twitter today, July 20. While she was thankful for the projects that came her way, Bela also looked back at her failed relationship and going through depression.


Nagbalik-tanaw si Bela Padilla sa mga pinagdaanan niya sa nakalipas na kalahating taon, sa pamamagitan ng isang mahabang artikulo na ibinahagi niya sa Twitter ngayong Huwebes, July 20.

Dito ay nabanggit din ng 26-year-old actress ang tungkol sa kanyang love life at ang pinagdaanang depression.

Bahagi ng kanyang post, “I fell out of and in love.

"Got depressed a few times but always bounced back because work is really my life.

Hindi tinukoy ni Bela kung ano ang dahilan ng kanyang depresiyon, subalit kinumpirma niya nitong Enero ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime boyfriend na si Neil Arce.

Nitong Mayo, sa press conference ng pelikulang Luck At First Sight, kung saan bida sina Bela at Jericho Rosales, ikinuwento ng aktor na naging shoulder-to-cry-on siya ng kapareha sa shooting.

Yun kasi ang mga panahon nang mag-break ang aktres at si Neil. 


Stories We Are Tracking

Bela Padilla reveals breakup with Neil Arce
Bela Padilla reveals breakup with Neil Arce
Bela on breakup with Neil:
Bela on breakup with Neil: "We already felt it coming."

Sabi pa ni Bela sa kanyang post, pagtutuunan muna niya ng panahon ang sarili bago muling umibig.

“I’m trying to love being alone before I can think of being of service to someone else again.

"I need to learn how to love myself, really."

Sa bandang dulong bahagi ng artikulo, nagpasalamat si Bela sa mga nakibahagi sa kanyang journey.

Sabi ng aktres, "[L]et me watch you live so I can learn how to live too. thank you to you, who was a part of this year, may you stay in my life forever.”

Inakala naman ng ilang netizens na may special someone na tinutukoy si Bela.



Tinanong din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela, via Instagram, kung nasa isang relasyon siya ngayon. 

Sagot ng Kapamilya actress, “No, I’m not po :)”

Nali-link ngayon si Bela sa aktor na si Zanjoe Marudo. 

Nagkatrabaho ang dalawa sa ABS-CBN primetime series na My Dear Heart, na nagtapos nito lamang June. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, sunud-sunod naman ang mga post ni Bela sa Instagram ng sexy photos na kuha mula sa kanyang bakasyon sa Siargao.

A post shared by Bela Padilla (@belapadilla) on

A post shared by Bela Padilla (@belapadilla) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN