Joey de Leon's "KathNiel" post draws mixed reactions from netizens

IMAGE Instagram (@jakodeleon)

Master Henyo Joey de Leon stirs reaction from netizens by mentioning KathNiel, the ABS-CBN team-up of Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, in his social media post.


Umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens ang caption ni Joey de Leon sa larawang ipinost nito sa kanyang social media accounts. 

Ngayong Huwebes, July 20, nag-post ang Eat Bulaga! host ng larawan nila ng asawang si Eileen Macapagal-de Leon mula sa kanilang bakasyon sa Barcelona, Spain.

Nasa background ng mag-asawa ang Sagrada Familia Church.

Caption ng veteran TV host-comedian dito: “Kathniel 10 years ago! Ola!”

KathNiel ang tawag sa tambalan ng sikat na ABS-CBN stars na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa Barcelona rin ang lokasyon ng 2016 movie ng KathNiel na may titulong Barcelona: A Love Untold.

Dahil sa post ni Joey, nag-react ang ilang fans ng AlDub, ang sikat na team-up nina Alden Richards at Maine Mendoza, na mga kasamahan ng TV host-comedian sa Eat Bulaga.

Tanong ng AlDub fans: Bakit hindi ang AlDub ang ginawang peg ni Joey sa kanyang post.





Ikinatuwa naman KathNiel fans ang caption ng tinaguriang "Henyo Master."




Depensa naman ng ibang netizens, KathNiel ang ginamit na caption ni Joey dahil kuha ang larawan sa Barcelona, na pareho ng titulo ng dating pelikula ng Kapamilya love team.

Huwag daw bigyan ng ibang kahulugan ang post ng veteran TV host. 







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN