Hindi pa raw nahahanap ni John Lloyd Cruz ang babaeng maituturing niyang “the one.”
Lalo na’t malayo pa raw sa isip niya ang paglagay sa tahimik.
Pero ibinahagi ng aktor kung anu-ano ang mga katangiang hinahanap niya sa kanyang future wife.
Nakangiting pahayag ni John Lloyd, “Dear future wife, sana pasensiyosa ka. Be patient with me.
“I can’t wait to see the world through your eyes.
"Sasabihin ko sa kanya something like that, para marinig ko yung ‘awww’ sa dulo.”
Bagamat mailap pagdating sa usapin ng kanyang love life, sinabi ni John Lloyd na iniiwasan niyang magsalita nang tapos pagdating sa babaeng mapupusuan niya.
“Mahirap kasi, e. Mahirap sabihin.
"Ako, hindi ko alam. Mukha namang hindi pa.
"Kasi kung nahanap ko na, parang masasabi ko na yun."
Pahabol pa ni John Lloyd nang hingan ng mensahe para sa kanyang future wife, “Hindi ako magiging moody!”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John Lloyd sa digital conference ng pelikulang Finally Found Someone, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN, noong Miyerkules, July 19.
FEEL THE PAIN. Dito ay inamin ng 34-year-old actor na may pagka-moody at brooding ang personality niya, lalo na kapag siya ay nasasaktan.
Nang tanungin kung paano niya i-handle ang sakit dulot ng pag-ibig, paunang pahayag ni John Lloyd, “You can only allow yourself to be hurt for a time na puwede kang matuto.
“Puwede mong ma-appreciate kung ano man yung hindi nangyari. Ma-appreciate mo, meaning, matuto ka from it.
"'Bakit hindi siya nangyari?' Maybe it’s not for the best. Maybe it’s not meant to happen.
“You need to move on. The longer you dwell, the uglier it gets, I think.
“Parang nasasayang, nakakapanghinayang, there’s so much beauty in so many things…”
Hindi pa man natapos ni John Lloyd ang kanyang nais sabihin ay siya mismo ang kumontra sa sariling pananaw.
Natatawang dugtong ng aktor, “Practice what you preach, John Lloyd! Grabe, e!
"You know, my daytime self will tell you this. Usap tayo mamayang gabi, baka iba sabihin ko sa ‘yo.”
Sa puntong ito, inamin ng aktor na siya mismo ay gustong nakararanas ng heartache.
“When you’re hurting really bad, siyempre hindi mo masasabi kung kailan mo kakayanin na bumangon na at makisalumuha na sa tao, because ang totoo, ayaw mo.
“But you have to allow yourself to grieve.”
Sa huli, hirit pa ulit ni John Lloyd, “Sarap kaya ng pain. Inuulam ko yun sa kanin, e.”