Barbie Forteza reacts to Ken Chan's rumored romance with Kim Rodriguez

IMAGE Nikko Tuazon

Barbie Forteza on rumored romance between Ken Chan and Kim Rodriguez: "Kung sakali mang totoong merong something sweet na nangyayari sa kanilang dalawa, I'm very happy for them."


Isa sa mga nali-link ngayon kay Barbie Forteza ay ang Meant To Be co-star niyang si Ken Chan.

Ang karakter ni Ken na si Yuan ang nakatuluyan ng karakter ni Barbie bilang Billie sa pagtatapos ng primetime series na ito ng GMA Network.

Ngunit sa kabila ng pagli-link sa kanila, may balitang nagkakamabutihan daw si Ken at ang kapwa nila Kapuso artist na si Kim Rodriguez.

Lumabas ang balita matapos mag-iwan ni Kim ng komento sa Instagram post ni Ken.

Mensahe ng dalaga: "I love you."

A post shared by Ken Chan (@akosikenchan) on


Para kay Barbie, hindi na bago ang ganitong isyu, lalo sa kanilang mga miyembro ng dating teen drama series ng GMA-7 na Tween Hearts.

Pahayag ng Kapuso actress, "Oo, mga ano kami, homegrown teens, lahat kami tweens.

"Minsan natatawa na lang ako kapag may lumalabas na isyu na nagkakamabutihan, e, lahat kami barkada.

"Yung parang konting magsama lang kami sa isang lugar, nali-link na agad.

"E, lahat naman kami magkakaibigan, so konting pagsasama, nali-link agad."

Dagdag pa niya, "Normal yun.

"Pero kung sakali mang totoong merong something sweet na nangyayari sa kanilang dalawa, I'm very happy for them."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at GMA News si Barbie sa birthday charity event nito na inorganisa ng GMA Artist Center, sa Pagkakaisa Elementary School, Biñan, Laguna, nitong Huwebes, July 20.

Sa nasabing eskuwelahan nag-aral si Barbie mula Grade 1 hanggang Grade 4.

SINGLE LADY. Masaya raw si Barbie ngayong papasok ulit siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay. 

Sa darating na July 31 ipagdiriwang ni Barbie ang kanyang 20th birthday.

Hindi raw niya pinoproblema kung wala siyang love life ngayon.

Natatawang sabi nito, "Kulang talaga? Pag-isipan ko 'yan!"

Dagdag pa ng Kapuso star, "Well, masaya pag meron, pero hindi naman kailangang meron, yung ganun.

"Pero siyempre, masaya na may dagdag-inspirasyon."

Para sa kanyang birthday wish, nais ni Barbie na masundan sana agad ang katatapos lang niyang primetime series na Meant To Be, kung saan nakapareha niya sina Ivan Dorschner, Jak Roberto, Addy Raj, at Ken Chan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw magiging problema na nagkaroon siya ng maraming loveteam partners.

Paliwanag ni Barbie, "Sa akin, hindi naman problema yung manggagaling ako sa apat na love team.

"Kasi clearly, ibig sabihin nun, wala akong permanenteng love team, hindi ako mapapako sa isa.

"So, puwede kong makatrabaho ang iba."


Stories We Are Tracking

Derrick Monasterio denies being friend-zoned by Bea Binene
Derrick Monasterio denies being friend-zoned by Bea Binene
Is Barbie Forteza being courted by Jak Roberto?
Is Barbie Forteza being courted by Jak Roberto?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN