Elmo Magalona to bashers of Janella Salvador: "Stop bullying her."

IMAGE Noel Orsal

Hindi pa rin nagsasalita si Janella Salvador matapos magpakawala ng galit ang inang si Jenine Desiderio laban sa kanya sa Twitter. Kasunod nito ang pagpuna ng ilang netizens sa Kapamilya actress, kaya naman nakiusap si Elmo Magalona sa bashers na tigilan na nila ang pangbu-bully sa ka-love team. 


Hanggang ngayon ay hindi pa nagsalita si Janella Salvador tungkol sa mga patutsada ng kanyang inang si Jenine Desiderio.

Sinabi ng beteranang singer sa kanyang tweet noong Miyerkules, July 19, sobrang matigas na ang ulo ng anak at hindi na ito sumusunod sa mga patakaran niya sa bahay.


Stories We Are Tracking

Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella
Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella

Ngayong Biyernes ng hapon, July 21, dinepensahan naman ni Elmo Magalona ang ka-love team na si Janella laban sa bashers.

May iba kasing netizens ang nagsasabing iba pala ang ugaling nakikita nila sa Kapamilya star sa TV at sa personal.

Sabi ni Elmo sa kanyang tweet: “Stop bullying her.”

Ikinatuwa naman ito ng kanilang fans na tinatawag na ElNella.

Narito ang ilan sa mga mensahe ng ElNella fans:





Nagpadala na rin ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe kay Jenine, sa pamamagitan ng text, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN