Veteran director-actor Soxy Topacio dies at 65

IMAGE File / Noel Orsal

Director-actor Soxy Topacio succumbs to lung cancer at 65.


Pumanaw na ang beteranong direktor at aktor na si Soxy Topacio.

Binawian ng buhay si Soxy ngayong Biyernes ng gabi, Hulyo 21, pagkatapos ng pakikipaglaban sa sakit na lung cancer. Siya ay 65 years old.

Ayon sa pamangkin ni Soxy na si Zarah Topacio, 8:55 ng gabi nang bawian ng buhay ang direktor sa Delos Santos Medical Center, sa Quezon City.

Isinugod si Soxy sa hospital kahapon, Hulyo 20, at naging unresponsive na kaninang umaga.

Noong August 2016 nang ma-diagnose na mayroon siyang lung cancer.

Halos apat na dekada ang inilagi ni Soxy sa show business.

Nagsimula si Soxy bilang artista sa teatro at pelikula, ngunit mas kilala siya bilang isang direktor sa telebisyon.

Kabilang sa mga idinirek niyang palabas sa telebisyon ay ang mga sumusunod: True Stories, Carmi, Kristal, Komiks, Dear Diary, Ikaw Lang Ang Mamahalin, Pira-pirasong Pangarap, Daboy en da Girl, Marinara, Nuts Entertainment, Maynila, Family Zoo, Takeshi's Castle, Kung Mawawala Ka, Impostora, Atlantika, Sa Iyong Paglisan, O Mare Ko, Joey's Quirky World, Obra, Moomoo & Me, Diva, Juan Tamad, Dear Uge, at Wattpad Presents.

Ilan naman sa mga pelikulang idinirek niya ay ang Kahit Minsan Lang (1997), Ded Na Si Lolo (2009), The Adventures of Pureza: Queen of the Riles (2011), at D' Kilabots Pogi Brothers Weh?!? (2012).

Ang Ded Na Si Lolo ang naging entry ng Pilipinas sa Best Foreign Language Film category ng Academy Awards o Oscars noong 2010. Hindi nga lamang ito nakasama sa short list para sa final nominees.

Bilang isang aktor, pinaka tumatak sa mga manonood ang role ni Soxy bilang si Neneng sa '80s comedy show na Duplex.

Naging malaking bahagi rin ng career ni Soxy ang teatro, partikular na ang Philippine Educational Theater Association o PETA, kung saan siya naging aktor, direktor, excutive director, at miyembro ng Board of Trustees.

Bukod sa pagiging direktor at aktor, isa ring writer at production designer si Soxy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang mga labi ni Soxy ay ibuburol sa St. Peter Memorial Chapel, sa may Quezon Avenue, Quezon City.

Magkakaroon ng public viewing simula bukas ng gabi, Hulyo 22.

Read: Soxie Topacio still gets meaty projects as actor-director after four decades in showbiz

CONDOLENCES. Samantala, agad naman nagpahayag ng pagdadalamhati ang mga kasamahan ni Direk Soxy sa industriya sa pamamagitan ng kanilang socia media accounts.

Narito ang ilan sa kanilang nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ng director-comedian:

It's a wrap, Direk Soxy. Cheers and applause for a life well played!

A post shared by Jun Robles Lana (@junrobleslana) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN